• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, itutulak ang mas maraming buwis, military pension reform

UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang mga priority legislations kabilang na ang tax measures at ang reporma sa military pension.

 

 

Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, nanawagan ang Pangulo sa mga mambabatas na isulong ang  tax measures sa ilalim ng  Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) kabilang na rito ang  excise tax sa single-use plastics, ar value-added tax (VAT) at digital services.

 

 

Kasama sa MTFF ang rasyonalisasyon ng mining fiscal regime at motor vehicle user’s charge o road user’s tax, kung saan inaasahan ng  Development Budget Coordination Committee (DBCC) na makabubuo ng karagdagang P12.4 bilyong piso  at P15.8 bilyong piso, ayon sa pagkakabanggit, sa unang taon ng implementasyon.

 

 

Nanawagan din ang Pangulo ng reporma sa military and uniformed personnel (MUP) pension, na kabilang sa unang marching orders kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr.

 

 

Nitong Mayo, itinulak ng Pangulo ang “self-regenerating” pension plans para sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagsisikap ng mga ito na iwasan ang senaryo kung saan ang pondo ay naubos na o nasaid na.

 

 

Ang economic team, pinamunuan ni  Finance Sec. Benjamin Diokno, ay nagbabala ng consequences ng pension payments, na may kabuuang yearly payouts inaasahan na tatama sa P1-trillion mark sa  2035 mula  P213 billion sa 2023.

 

 

Ang iba pang key legislations na tinukoy ng Pangulo ay kinabibilangan ng pag-amiyenda sa Fisheries Code,  Anti-Agricultural Smuggling Act, at Cooperative Code, kasama ang  New Government Procurement Law at  New Government Auditing Code.

 

 

Ipinanawagan din ng Pangulo ang Anti-financial accounts scamming,  Tatak-Pinoy (Proudly Filipino) law, Blue Economy law,  Ease of Paying Taxes, LGU Income Classification, at Philippine Immigration Act.

 

 

“Hinihiling ko ang inyong tiwala at pakikiisa. Sa ganitong paraan, makakamtan natin ang ating tanging hangarin: ang maginhawa, matatag, at panatag na buhay para sa lahat ng Pilipino,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Alinsunod ito sa AmBisyon Natin 2040 na  aniya “unveiled by the National Economic and Development Authority (NEDA) in 2015, covering goals for the next 25 years.”

 

 

Nanawagan din ang Pangulo para sa pagpapasa ng Department of Water Resource Management, habang ang bansa ay nahaharap sa dry El Niño phenomenon.

 

 

“Ang tubig ay kasing-halaga rin ng pagkain. Kailangan nating tiyakin na may sapat at malinis na tubig para sa lahat at sa mga susunod na salinlahi. Kasama na rito ang tubig na ginagamit natin para sa sakahan,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Considering its fundamental importance, water security deserves a special focus. Our efforts must not be scattershot, but rather, cohesive, centralized, and systematic,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Habang ang Kongreso ay hindi pa inaaprubahan ang paglikha ng departamento, si Pangulong Marcos noong Abril ay nag-utos ng paglikha ng Water Resources Management Office, na naitala sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

 

 

Naglaan ang pamahalaan ng P14.6 bilyong piso para sa water supply projects ngayong taon at nagtayo ng 6,000 rainwater collection systems sa iba’t ibang bansa, sa layuning palakasin ang suplay bago pa ang dry spell. (Daris Jose)

Other News
  • Direk DARRYL, pansin na mas maraming naging curious na panoorin ang pelikula niya habang bina-bash

    SA opinion ni Direk Daryl Yap, mas lalong nagiging curious ang mga tao na panoorin ang mga pelikulang ginagawa niya dahil sa mga bashing na kanyang natatanggap.     “When people say something about my film, whether negative or positive, ‘yun ang napapag-usapan,” pahayag nang kontrobersiyal na director ng Tililing at Gusto Kong Maging Porn Star.     May magandang […]

  • Sen. BONG, KIM at ANGEL, kasama sa unang makatatangap ng Isah V. Red Award sa ‘4th EDDYS’

    TULOY na tuloy na sa Marso 22 ang pagbibigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa mga de-kalidad at natatanging pelikula ng 2020.     Virtual gaganapin ang 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) kung saan maglalaban-laban ang mga de-kalibreng pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa kabila ng Covid-19 pandemic. […]

  • Ads February 7, 2020