3rd Quarter Monthly allowance ng MPD police, naibigay na
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
IBINIGAY na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 3rd quarter allowance sa lahat ng kapulisan na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayong araw.
Matapos ang isinagawang flag raising ceremony, mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nag-abot ng tseke sa ilang kapulisan na naglalaman ng kanilang “monthly allowance” simula buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre ngayong taon.
Nasa kabuuang P36,578,500 halaga ng allowance ang itinurn-over ng pamahalaang lungsod sa pamunuan ng MPD sa pamumuno ni Director P/Brig.Gen. Rolando Miranda upang ipamahagi sa kada pulis na nakatalaga sa Maynila.
Ayon naman kay Miranda, nasa mahigit 4,800 ang kabuuang bilang ng kapulisan na nakatalaga sa Maynila kung saan ang bawat isa sa kanila ay makatatanggap ng halagang P7,500 allowance dahil ang kada pu- lis ay nakatatanggap ng P2,500 monthly allowance sa pamahalaang lungsod. (Gene Adsuara)
-
Arayi, Lim sa WNBL Draft
MAY dalawang beteranang kasapi ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas women ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa bagong panganak na pro Women’s National Basketball League (WNBL) Draft para sa buwang ito. Ang isa ay si Ewon Arayi, na kasalukuyang coach ng Adamson University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at […]
-
Pacquiao out, Cusi in bilang PDP-Laban president
Pinatalsik ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng partido at ipinalit si Energy Secretary Alfonso Cusi. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng partido ang nagpanumpa kay Cusi. Nagpalabas naman ng mensahe si Pacquiao na kasalukuyang nasa Amerika upang mag-ensayo para sa nalalapit […]
-
PATAFA pres. Juico umalma sa pagdeklara sa kaniya ng POC bilang persona non-grata
BINATIKOS ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico ang pagdeklara sa kaniya ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang persona non-grata dahil sa alitan nila ni pole vaulter EJ Obiena. Sinabi ni Juico na walang anumang due process na ginawa ang POC at basta na lamang siya idineklara bilang […]