PBBM, kinilala at itinuturing ang mga mangingisda at magsasaka bilang mga bayani ng Pinas
- Published on October 8, 2022
- by @peoplesbalita
ITINUTURING at kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magsasaka at mangingisda bilang mga bayani ng Pilipinas dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito para sa mga Filipino.
Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo sa pagbubukas ng Agri Exhibit 2022 sa World Trade Center, inihayag ni Pangulong Marcos na unsung heroes na maituturing ang mga mangingisda at magsasaka na aniya’y katuwang sa pag-unlad ng bayan.
Dahil aniya sa kanila sabi ng Pangulo ay may pagkain sa hapag kainan na siyang nagbibigay lakas at maipursige ang mga dapat gawin para sa patuloy na pag-angat ng bansa.
Sa gitna nito’y sinabi naman ng Pangulo ang iba’t ibang tulong na naipamahagi na ng pamahalaan sa mga mangingisda at magsasaka gaya halimbawa ng financial assistance at fuel discount program na umabot na sa 3 daan at 20 milyong piso.
Nandiyan na rin aniya ang quick response fund na pantulong din sa mga magsasaka at mangingisdang naging biktima ng kalamidad.
Sa kasalukuyan aniya ay nasa P1.54 bilyong piso na ang nailalabas ng gobyerno para sa may 17 milyong mga nakabenepisyo na sa naturang ayuda ng pamahalaan para sa mga nasa sektor ng agrikultura. (Daris Jose)
-
JENNICA, tinatarayan ang mga bashers na nag-iisip na gumigimik lang sila ALWYN
ANG haba ng paliwanag ni Jennica Garcia sa kanyang Instagram account dahil sa isa o dalawang netizens na kinontra ang post niya. Nag-post kasi si Jennica na tipong isinama siya ng tropa niya, pero parang sa couple’s trip daw pala at siya lang ang walang lovelife. Madali naman talagang mai-imply ng […]
-
Kung wala sa minutes, fake news
PINABULAANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang bali-balitang “may marka na” ang ilang balotang ibinigay sa ilang botante sa pagsisimula ng overseas absentee voting ng mga Pinoy abroad. Lunes nang ibalita ng Singapore-based voter na si Cheryl Abundo na may shade na agad ang nakuha niyang balota nang boboto sana para sa 2022 […]
-
Guarantee Letter ng DSWD, suspendido mula Disyembre 7
SUSPENDIDO pansamantala ang pagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Guarantee Letter simula Disyembre 7 hanggang 31, 2023 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa lahat ng opisina ng DSWD sa buong bansa. Ayon kay DSWD Asst Sectretary Romel Lopez, ang hakbang ay upang bigyang-daan ang annual […]