• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, lalagdaan ang 2024 National Budget ngayong linggo- Speaker Romualdez

NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na  batas ngayong linggo ang  P5.76-trillion 2024 national budget.

 

 

“It’s ready for [signing], I think, [on] Wednesday. Wednesday na ata ‘yung signing po,” ayon kay Speaker Martin Romualdez sa mga mamamahayag sa Tokyo, araw ng Lunes.

 

 

Tinanong kasi si Romualdez ng mga mamamahayag kung kailan lalagdaan ng Pangulo ang national budget.

 

 

Idinagdag pa nito na nais sana ni Pangulong Marcos na lagdaan ang  national budget upang maging ganap na batas bago pa lumipad patungong  Japan.

 

 

Nilinaw naman ni Romualdez na nananatiling mayroong ilang printing requirements  ang kailangan bago pa lagdaan ng Pangulo ang  national outlay document.  (Daris Jose)

Other News
  • Santiago tinitimbangin pa ang susunod na lalaruan

    HINDI tatalikuran ni Pilipina volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang patuloy na paglalaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin makabalik ang women’s indoor volleyball event ng Philippine SuperLiga (PSL) sa taong ito.     Nakakatlong taon na sa Japan V. League sa Ageo Medics Volleyball Team, ipinahayag ng 25-year-old, 6-foot-5 former PH national […]

  • Trillanes, muli na namang sinopla ng Malakanyang

    SINOPLA ng Malakanyang si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV nang sabihin nito na ire-reject ng mga botanteng Filipino ang “Duterte brand” sa eleksyon sakali’t magdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte na sumali at tumakbo sa presidential race.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque , ang resulta ng 2022 presidential at vice presidential […]

  • VP Sara sinabing ‘never again’ makikipag-tandem kay PBBM, sinabing ‘di sila magkaibigan

    INIHAYAG ni Vice President Sara DIRETSONG Duterte na “never again” na makipag-tandem siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,   Pahayag ito ng pangalawang Pangulo matapos matanong kung may tiyansa pa na magka tandem sila ng Punong Ehekutibo.   Hindi naman pinaliwanang ni VP Sara kung bakit nasabi niya na “never again” na maka sama uli […]