• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, lumikha ng dalawang bagong special economic zones sa Pasig City, Cavite

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang proklamasyon na naglalayong lumikha ng special economic zones sa Pasig City at Tanza, Cavite.

 

 

Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamations 512 at 513, noong Abril 1 na isinapubliko naman, araw ng Miyerkules.

 

 

Sa ilalim ng Proclamation 512, pinili ni Pangulong Marcos ang ilang sukat ng lupain na may kabuuang 123,837 square meters sa Ugong, Pasig City bilang information technology (IT) park, matatagpuan sa E. Rodriguez Jr. Avenue, at kikilalanin bilang Arcovia City.

 

 

Nagpalabas din ang Pangulo ng Proclamation 513, lilikha sa MetroCas Industrial Estates-Special Economic Zone sa Tanza, Cavite.

 

 

Sakop ng Proclamation 513 ang 404,141 square meters ng lupain sa Calibuyo village sa Tanza, Cavite.

 

 

Sa kabilang dako, ipinalabas naman ni Pangulong Marcos ang dalawang proklamasyon sa ilalim ng Republic Act (RA) 7916 o Special Economic Zone Act of 1995, inamiyendahan ng RA 8748, at bunsod na rin ng rekumendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

 

 

Ang RA 7916, nilagdaan upang maging ganap na batas noong Pebrero 24, 1995, naglalayong hikayatin ang economic growth sa pamamagitan ng development ng special economic zones na tinawag na “ecozones.”

 

 

Ang Special economic zones ay tinutukoy sa batas bilang “selected areas with highly developed or which have the potential to be developed into agro-industrial, Industrial tourist/recreational, commercial banking, investment and financial centers.”

 

 

Kabilang sa ecozone ay industrial estates, export processing zones, free trade zones, at tourist/recreational centers.

 

 

Ang IT parks ay hubs o sentro na ‘entitled’ sa lahat ng benepisyo na ipinagkakaloob sa special economic zones upang gawin itong mas “attractive” sa foreign investors na nais na magtayo ng kanilang business process outsourcing offices. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Quarantine sa mga fully vaccinated na travelers na dumarating sa PH hindi na mandatory’

    Inanunsiyo ngayon ng Malacañang ang mas pagluluwag pa sa mga fully vaccinated na mga Filipinos at foreign nationals na dumarating sa bansa at nagmula sa tinaguriang green countries.     Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque ang mga biyahero mula sa “countries o territories” na nabibilang sa mga low risk sa COVID-19 ay hindi na […]

  • Sec. Roque, agad nagbigay linaw sa anunsyong ‘special working holidays’ ang Nov 2, Dec 24 at 31

    NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang sinabi na malabong irekonsidera at bawiin ng Malakanyang ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 dahil “isang taon na tayong nakabakasyon”.   “Alam nyo po, ang konteksto nito, ‘yung karagdagang araw na pinagpapatrabaho tayo, kasama na po ‘yung bisperas ng Pasko, bisperas […]

  • Transport advocacy group, nanawagan sa Marcos admin na resolbahin ang problema sa transportasyon sa bansa

    NANAWAGAN ang isang transpory advocacy group sa Marcos administration na resolbahin ang mga balakid sa transportasyon sa bansa na nagdudulot ng stress sa mga manggagawang commuters na nahihirapan sa pagsakay para makapasok sakanilang mga trabaho at pauwi ng bahay sa araw-araw.       Iginiit ni Passenger Forum Convener Primo Morillo na kailangan ng long-term […]