• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, lumipad na patungong Washington para palakasin ang ugnayan hinggil sa food security, economy at energy

LUMIPAD na si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng LInggo, para isakaturapan ang kanyang misyon na magpanday ng mas malakas na ugnayan sa Estados Unidos pagdating sa larangan  ng food security, digital economy, energy security, at climate change. 
Sa kanyang departure speech sa  Villamor Airbase, sinabi ng Pangulo na ang kanyang pagbisita sa Estados Unidos, itinuturing na “long standing ally” ng PIlipinas ay naglalayong mas pagtitibayin ang  “already strong bonds”  ng Maynila at Washington sa pamamagitan ng “bringing our alliance into the 21st century.”
“My visit to the United States, and more especially my meeting with President Joe Biden, is essential to advancing our national interests and strengthening that very important alliance,” ayon sa Pangulo.
Tinuran pa ng Chief Executive na ang kanyang pagbisita ay nabuo at resulta na rin ng  “active exchanges” sa pagitan ng dalawang bansa, kabilang na rito ng bilateral meeting ni Pangulong Marcos kay US President Joseph Biden sa New York noong nakaraang Setyembre, pagbisita sa Maynila ni  US Vice President Kamala Harris noong nakaraang Nobyembre at maging ang maraming bilang ng pagbisita ng mga  senior officials ng magkabilang panig.
“Manila and Washington are also expected to bolster partnerships in the semiconductor industry, critical minerals, renewable and clean energy, including nuclear, and infrastructure projects “that will improve our digital and telecommunication systems and facilitate sustainability efforts to address climate change,”  ayon sa Pangulo.
Inaasahan naman na makakapulong ng Pangulo ang mga  American business leaders upang mas ma-promote ang trade at investment opportunities sa Pilipinas.
Sa roundtable meetings, sasamahan si Pangulong Marcos ng kanyang  economic team at maging ang mahahalagang Filipino private sector leaders para i-explore ang business opportunities “that would serve to grow our economy even more.”
Habang nasa  Washington, makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community “who continue to contribute towards the country’s economic prosperity.”
Other News
  • 4 barangay sa Irosin, Sorsogon, apektado na ng ashfall mula sa bulkang Bulusan

    NASA apat na barangay na raw ang apektado sa Irosin, Sorsogon dahil sa ashfall mula sa bulkang Bulusan matapos itong mag-alburuto dakong alas-10:37 Linggo ng umaga.     Ayon sa municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) officer na si Fritzie Michelena kabilang sa mga apektadong barangay ang Cogon, Bolos, Gulang-Gulang at Tinampo.   […]

  • 50th MMFF, paghahandaan na ng MMDA: VILMA at CEDRICK, aabangan kung magwawagi uli sa ‘Manila International Film Festival’

    KINUMPIRMA ni MMDA chairman Atty. Romando Artes na noong ika-7 ng Enero, ang opisyal na pagtatapos sana ng 49th Metro Manila Film Festival, ang 10 pelikulang pinalabas ay sama-samang nakapagtala ng P1.069 bilyon, na kinabog ang dating record na hawak noong 2018 edisyon ng taunang pagdiriwang.       Ang 44th MMFF ay nakapagtala ng […]

  • P764-M halaga ng mga bagong kagamitan, ibinida ng PNP

    PINANGUNAHAN ni PNP OIC Chief PLt. Gen. Vicente Danao Jr. ang blessing ceremony para sa mga bagong kagamitan ng Philippine National Police (PNP).       Asahan na rin na mas mapapalakas pa ng Pambansang Pulisya ang kanilang capabilities dahil sa mga bago nilang kagamitan.     Tinatayang nasa P764 Million ang halaga ng mga […]