• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, madamot na magbigay ng komento sa isyu ng speakership sa Kongreso

HANGGANG sa ngayon ay madamot pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng komento  sa isyu ng liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng umugong na balita na plot o planong  patalsikin si  Speaker Martin Romualdez sa posisyon nito.

 

 

“I won’t make any comments about the speakership, as of yet,” ayon kay Pangulong Marcos sa  sa idinaos na League of Provinces of the Philippines 4th General Assembly sa Pampanga matapos ipakilala si Romualdez.

 

 

Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay matapos na pabulaanan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang tsismis o usap-usapan na siya di umano ang nagpa-plano para patalsikin si  Romualdez bilang Speaker of the House.

 

 

Nauna rito, tinanggal sa kaniyang posisyon bilang House Senior Deputy Speaker si  Arroyo.

 

 

Sa paliwanag ni House Majority Leader at Zamboanga 2nd District Representative Manuel Jose Dalipe, ito’y upang bawasan umano ang bigat ng gampanin nito bilang kongresista.

 

 

Pero sa maikling statement na inilabas ni Arroyo, sinabi nito na “it’s the prerogative of the House.” Sinabi ng ilang malalapit sa dating Pangulo na maayos naman ang kalusugan nito.

 

 

Sa session nitong Miyerkules, May 17, pinalitan si Arroyo ng kapwa Kapampangan na si 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr. Si Arroyo ang tumatayong chairman emeritus ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

 

 

Si Arroyo rin ang isa sa mga kongresista ng 19th Congress na nag-endorso sa kaniyang party-mate na si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker na naipagtagumpay naman nito noong July 2022.

 

 

Mayorya naman ng  political parties  kabilang na ang  Lakas-CMD, the National Unity Party (NUP) at  Nationalist People’s Coalition (NPC) — ang nagpahayag ng kanilang suporta para kay Romualdez, pinsan ni Pangulong Marcos.

 

 

Ang administration-allied Party-List Foundation, Inc., (PCFI) ay nagpahayag din na nananatili ang suporta nito kay Romualdez(Daris  Jose)

Other News
  • 4 na cabinet members ni British PM Johnson nagbitiw

    NAGBITIW sa kanilang puwesto ang apat na senior aides ni British Prime Minister Boris Johnson.     Kasunod ito sa pressure dahil sa mga kontrobersiyang kinakaharap ni Johnson.     Kinabibilangan ito nina director of communications Jack Doyle, policy head Munira Mirza, chief of staff Dan Rosenfield at senior civil servant Martin Reynolds.     […]

  • Amit at Centeno tatako sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball

    PUNTIRYA nina Philippine pool queens Rubilen Amit at Chezka Centeno na tuldukan ang pagkauhaw ng bansa sa titulo pagsabak sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball Championship sa Jan. 19-22 sa Atlantic City, New Jersey.   Umalis sina Amit, 41, ng Cebu, at Centeno, 23, ng Zamboanga para sa isang misyong makopo ang unang kampeonato ng […]

  • PBBM kinilala ang mga Pinoy na lumalaban ng patas sa araw-araw na buhay sa selebrasyon ng Independence day

    KINILALA at binigyang-pugay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na ang mga Pilipinong patuloy na lumalaban ng patas sa pang araw-araw na buhay.       Sinabi ng Presidente na ang tunay na diwa ng kalayaan ay makikita sa bawat Pilipinong matapang na lumalaban araw-araw.       Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos […]