• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, mas gustong mag-produce ang Pinas ng sarili nitong farm machineries

NAIS  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na gumawa ang Pilipinas ng sarili nitong farm machineries. 
Napansin kasi ng Pangulo na masyado ng umaasa ang PIlipinas sa pag-angkat o importasyon.
Ayon sa Chief Executive, kailangan na i-develop ng bansa ang kakayahan nito na mag-produce ng sarili nitong farm machineries.
Tinukoy naman ng Pangulo ang mga nagawang trabaho ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa pakikipagtulungan sa mga  foreign partners.
Ang PhilMech aniya ay mayroong locally manufactured machineries para sa “planting, cultivation, harvesting, at maging iyong nakalaan para sa  post-production.”
Karagdagan aniya ito sa ibang serbisyo gaya ng loans at transport services sa mga magsasaka at consumers.
“[Mag-] manufacture tayo ng sarili natin nang sa ganun ay hindi na kailangan tayo umasa sa importation,” ayon sa Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng tulong sa  Nueva Ecija, araw ng Lunes, Abril 24.
Sinabi ng Pangulo na “the country’s reliance to imports was felt during the pandemic lockdowns, stressing that with locally-manufactured equipment, the country is prepared to address food supply related problems in similar situation as the pandemic.”
“Ang lahat ay kailangan nating tingnan at pag-aralan para makahanda tayo. Na kung sakali ito’y mauulit ay tayo naman ay may gagawin. Mayroon tayong nakahanda at masasabi natin kahit hindi na tayo mag-import ay mayroon tayong sapat na supply na pagkain para sa ating mga mamamayan. ‘Yan po ang ating hangarin,” ayon pa rin kay Pangulong Marcos.
“Developing the Philippine agriculture sector to boost the economy and ensure food security is the overall goal not only of the Department of Agriculture, but the entire government,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ng Pangulo na patuloy na lumilikha ang pamahalaan ng mga plano para matiyak ang sapat na suplay ng tubig gaya ng “redesigning dam construction at solar power use.”
“The government is also looking at improving research and development to increase agricultural productivity depending on the season,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Other News
  • Large-scale water impounding facilities sa Bicol, ipinanukala

    Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang pagpapatayo ng large-scale water impounding facilities sa buong Bicol Region.     Naniniwala ang mambabatas na ang pagpapatayo ng water impounding facilities ay hindi lamanang makakatulong para mabawasan ang mga pagbaha kundi maging sa mapagkukuhanan ng tubig kapag sa panahon ng tag init.   […]

  • DOH tutol sa mandatory booster

    HINDI KUMBINSIDO  ang Department of Health (DOH) sa panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na gawing mandatory ang COVID-19 booster shots sa ngayon dahil may iba pang mga paraan upang ikampanya ang vaccination drive sa bansa,     Una nang iginiit ni Concepcion na gawing mandatory sa mga establisimento sa mga lugar na […]

  • DAQUIS HINDI NA TINABI ANG SALOOBIN

    SOBRANG kaligayahan ang nadama ni Philippine SuperLiga o PSL star Rachel Anne Daquis sa pagbabalik ng 45th Phlipppine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup eliminations bubble nitong Linggo sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Angeles, Pampanga.   Maski batikang mabangis na volleyball player, hindi itinago ng dalaga ang pagiging isa ring basketball […]