• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, muling nanawagan kay Cong. Teves na umuwi na ng Pinas

PINAYUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na magbalik-Pinas na at harapin ang alegasyon laban sa kanya ukol sa  pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa.

 

 

“Come home. That’s the best advice I can give him. Come home,” ayon kay Pangulong  Marcos bilang tugon sa tangong kung ano ang maipapayo niya sa mambabatas.

 

 

Kinapanayam ang Pangulo ng mga miyembro ng media habang lulan ito ng PR 001 habang pabalik ng Pilipinas  matapos dumalo sa 42nd ASEAN Summit sa Labuan Bajo, Indonesia.

 

 

Ayon sa Pangulo,  sinabi sa kanya ni Timor-Leste Prime Minister Taur Matan Ruak  sa kanilang  bilateral meeting na humirit ng political asylum si Teves sa huli.

 

 

“Yes. It turns out that Congressman Arnie Teves applied for political asylum but was denied. Ganun lang. So I think they will continue to be — to go to the process,” ang pagbubunyag ng Pangulo.

 

 

“May appeal process para sa — those who are applying… but na-deny so we’ll just wait for the process to complete,” anito.

 

 

Dahil dito, pinasalamatan naman ng Pangulo si  Ruak para sa agarang pag-aksyon sa aplikasyon ni Teves.

 

 

Malugod aniyang ikinatuwa ng gobyerno ng Pilipinas ang mabilis na desisyon ni Rual dahil mas magiging mabilis na aniya na maibabalik sa Pilipinas si Teves para sagutin ang alegasyon laban sa kanya.

 

 

Samantala, iniulat naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binasura ng  Timor-Leste ang aplikasyon ni  Teves’ para sa  political asylum at ipinag-utos dito na kaagad na lisanin ang bansa sa loob ng limang araw. (Daris Jose)

Other News
  • PhilHealth sinagot P21.1-B unpaid hospital claims

    Emosyonal na humarap sa pagdinig ng Kamara ang presidente ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ngayong araw matapos ang sunud-sunod na banat sa kanila dahil sa bilyung-bilyong utang sa mga ospital.     Sabado nang sabihin ng Private Hospitals Association of the Philippines, Philippine Hospitals Association at Philippine Medical Association na kakalas sila sa PhilHealth dahil sa […]

  • IMBES na MULTAHAN o PARUSAHAN ang WALANG FACESHIELD, BAKIT HINDI BIGYAN ng INCENTIVE ang MAY FACESHIELD

    Humihirit pa rin ang IATF na dapat pa rin mag face shield dahil added layer of protection daw ito. Wala naman silang naipapakitang scientific basis para sa kanilang argumento.  Maraming mga opisyal mismo ng gobyerno at mga tao ang nagsasabing dagdag gastos lang ang face shield.     Bueno kung talagang yan ang rekomendasyon ng IATF […]

  • TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK

    KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official […]