PBBM, nabahala sa nangyaring “senseless killing” kay Percy Lapid
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
NABABAHALA ang Office of the President (OP) partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring “senseless killing” sa isang batikang mamamahayag at kasalukuyang radio commentator ng DWBL na si Percy Lapid.
Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na inatasan sila ni Pangulong Marcos na tingnan ang isinasagawang imbestigasyon ng pananambang at pagbaril sa biktima pasado alas-8:30 kagabi, Oktubre 3, ng hindi pa nakilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Las Piñas City.
“In fact I was in communication with certain officials who advised me that the Southern Police District has created a task force on Percy Lapid,” ayon kay Guevarra.
“We just assumed our office last Tuesday but I was informed that there is a presidential task force on media security. In fact, I personally would meet with them, convene them if necessary, to advise them…to sit down with the Southern Police District and ensure that the conduct of investigation proceeds without any problem and submit to us, report to us hopefully within the next seven days.” wika pa nito.
Nauna rito, hayagan namang kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pamamaslang kay Lapid.
Tiniyak naman ng task force na ” we will not rest until the perpetrators of this heinous crime are brought to justice.” (Daris Jose)
-
COVID-19 vaccines protektahan vs ‘brownouts’ sa Luzon
Nag-abiso na ang Department of Energy (DOE) sa ibang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para maproteksyunan ang mga bakuna na nakaimbak sa mga ‘cold storage facilities’ dahil sa posibleng ‘rotational brownouts’ sa loob ng isang linggo o hanggang Hunyo 7. “Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga […]
-
25 NBA players at 10 staff nagpositibo sa COVID-19
Pumalo na sa 25 NBA players ang nagpositibo ng COVID-19 mula ng magsimula ang malawakang testing noong nakaraang linggo. Ito mismo ang ibinunyag ng NBA at National Basketball Players Association kung saan mula noong Hunyo 23 ay nasa 351 na mga manlalaro ang kanilang sinuri. Siyam ang nagpositibo dito ng COVID-19 mula sa […]
-
PSC, dodoblehin ang ‘security detail’ ni PBBM
DODOBLEHIN ng Presidential Security Command (PSC) ang security detail ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lalo na sa kanyang mga public engagements. Kasunod ito ng mariing pagbabanta ni VP Sara nang mag-live stream sa detention facility ng Kamara kasama ang na-contempt nitong Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez nitong Sabado ng […]