PBBM, nagbigay-pugay kay Hidilyn Diaz
- Published on December 10, 2022
- by @peoplesbalita
MULI na namang nagpamalas ng natatanging galing ang kauna-unahan nating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships na isinagawa sa Bogotá, Colombia.
“Kaisa ko ang buong bansa sa pagbibigay pugay sa iyo, Hidilyn, sa patuloy mong pagsusumikap upang magsilbing inspiration sa maraming Pilipino, at makapag-uwi ng karangalan para sa ating bayan,” ayon sa kanyang Facebook page.
Nauna rito, pinuri naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala si Hidilyn Diaz-Naranjo matapos masungkit ang tatlong gold medal at overall championship sa katatapos na World Weighlifting Championship.
Sa official na statement ng PSC at Eala sinabi nitong.4“Hidilyn has proven once again that the fire in her heart to be second to none in her field continues to burn and remains the benchmark by which every weightlifter and Filipino athlete must measure themselves against.”
“The PSC will forever be proud of Hidilyn as the epitome of a great champion and will always provide support in her continuing quest to bring honor to our country. Mabuhay!” dagdag ni Eala.
Sa kumpetisyon, si Diaz ay nakakuha ng 93 kg sa snatch, 114 kg sa clean and jerk, para sa kabuuang 207 kg., at dinaig sina Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico.
Magdaragdag ang panalo sa mailap na world title sa trophy case ni Diaz na kinabibilangan ng mga gintong medalya mula sa Olympics, Asian Games, at Southeast Asian Games.
Bukod kay Diaz-Naranjo, ang iba pang Filipino weightlifters ay inaasahang maglalaban-laban para sa mga medalya sa world tilt at slots sa 2024 Paris Olympics, kasama sina Tokyo Olympian Elreen Ando, Asian champion Vanessa Sarno, Kristel Macrohon, at Dave Lloyd Pacaldo.
Inihanda ng PSC ang lahat ng posibleng suporta kay Diaz at sa kanyang koponan sa kanilang paglahok sa kaganapang ito. (Daris Jose)
-
HEART, inanunsyo ang magiging art collab nila ng BRANDON BOYD
INANUNSYO ni Heart Evangelista ang magiging art collab niya with Incubus frontman, Brandon Boyd. Sa kanyang tweet, pinakita ni Heart ang screenshot ng video call niya with Brandon Boyd, at ng art manager nitong sina Jen DiSisto at Pietro. Caption ni Heart: “Morning meetings with Jen, pietro and #brandonboyed for our little art project SOON.” […]
-
Devanadera, Pantone tigil na sa paghambalos
ISINABIT na Sina PLDT Home Fibr veterans Lizlee Ann ‘Tatan’ Gata-Pantone at Sasa Devanadera ang kanilang mga playing jersey bilang mga volleybelle. Kinumpirma ito nitong isang araw ng kanilang coach na si Rogelio ‘Roger’ Gorayeb at ng Power Hitters sa mga Facebook post. “Our #PowerHitters Tatan Gata-Pantone and Sasa Devanadera are now signing […]
-
Presyo ng bigas sa world market apektado sa price cap ni Marcos
TAHASANG sinabi ni House Speaker Ferdinand Romualdez na bahagyang naapektuhan ang presyo ng bigas sa world market matapos pirmahan noong biyernes ni pangulong Marcos ang Executive Order 39 na nagtatakda sa presyo ng bigas sa bansa. Batay sa US-based company na Markets Insider, bumaba ng 21% ang presyo ng bigas sa pandaigdigang kalakalan […]