• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagbigay-pugay kay Hidilyn Diaz

MULI na namang nagpamalas ng natatanging galing ang kauna-unahan nating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships na isinagawa sa Bogotá, Colombia.

 

 

“Kaisa ko ang buong bansa sa pagbibigay pugay sa iyo, Hidilyn, sa patuloy mong pagsusumikap upang magsilbing inspiration sa maraming Pilipino, at makapag-uwi ng karangalan para sa ating bayan,” ayon sa kanyang Facebook page.

 

 

Nauna rito, pinuri naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala si Hidilyn Diaz-Naranjo matapos masungkit ang tatlong gold medal at overall championship sa katatapos na World Weighlifting Championship.

 

 

Sa official na statement ng PSC at Eala sinabi nitong.4“Hidilyn has proven once again that the fire in her heart to be second to none in her field continues to burn and remains the benchmark by which every weightlifter and Filipino athlete must measure themselves against.”

 

 

“The PSC will forever be proud of Hidilyn as the epitome of a great champion and will always provide support in her continuing quest to bring honor to our country. Mabuhay!” dagdag ni Eala.

 

 

Sa kumpetisyon, si Diaz ay nakakuha ng 93 kg sa snatch, 114 kg sa clean and jerk, para sa kabuuang  207 kg., at dinaig sina Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico.

 

 

Magdaragdag ang panalo sa  mailap na world title sa trophy case ni Diaz na kinabibilangan ng mga gintong medalya mula sa Olympics, Asian Games, at Southeast Asian Games.

 

 

Bukod kay Diaz-Naranjo, ang iba pang Filipino weightlifters ay inaasahang maglalaban-laban para sa mga medalya sa world tilt at slots sa 2024 Paris Olympics, kasama sina Tokyo Olympian Elreen Ando, ​​Asian champion Vanessa Sarno, Kristel Macrohon, at Dave Lloyd Pacaldo.

 

 

Inihanda ng PSC ang lahat ng posibleng suporta kay Diaz at sa kanyang koponan sa kanilang paglahok sa kaganapang ito. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Resident Evil: Welcome to Raccoon City’, Official Title Of The RE Reboot Movie

    DIRECTOR Johannes Roberts revealed in an interview with IGN during an SXSW online event, Resident Evil reboot movie official title is Resident Evil: Welcome to Raccoon City.      According to collider.com, it will take the zombie franchise back to theaters, with a new origin story inspired by the main video game series.     The reboot movie is not going to follow […]

  • P13B, gagastusin ng gobyerno para pondohan ang ayuda sa MM residents ngayong ECQ

    SINABI ng Malakanyang na gagastos ang pamahalaan ng P13 bilyong piso para pondohan ang cash grants para sa mga low income Metro Manila residents bunsod ng nalalapit na two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula sa Agosto 6.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na ang pondo ay huhugutin mula sa savings o […]

  • Tumanggap ng cash na ipinapamahagi ng mga kandidato, mananagot din sa batas – Comelec

    NAGBIGAY agad ng paglilinaw ang Commission on Elections (Comelec) sa Kontra Bigay na binuo ng komisyon kontra pa rin sa vote buying sa halalan.     Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang Kontra Bigay ay hindi lamang limitado sa pamimigay. Aniya, para raw itong ‘it take two to tango’ o mananagot din sa batas […]