• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM nagbigay pugay sa lahat ng nanay at tatay na nagpapaka-nanay

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga ina, kabilang ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa kanilang  sakripisyo ngayong Araw ng mga Ina.

 

 

Sa isang post sa social media nitong Linggo, pinarangalan ni Marcos ang lahat ng mga ina sa kanilang mga sakripisyo na nagpatibay sa pamilya at sa lipunan sa kabuuan.

 

 

“Sa ating mga kahanga-hangang ina, mga single mom, mga tatay na ginagampanan ang papel ng ina, at sa bawat isa na tumatayong ina, nais kong iparating ang inyong walang sawang pagmamahal at mga sakripisyo ay siyang nagbibigay liwanag sa ating buhay at nagpapatibay sa ating lipunan,” ani Marcos.

 

 

“Ngayon, ipinagdiriwang natin ang bawat isa sa inyo,” dagdag ng Pangulo.

 

 

Sa isang hiwalay na post, kinilala at pinasalamatan ng Pangulo ang kanyang asawa sa kanyang lakas at compassion, gayundin ang kanyang dedikasyon sa pagtatanggol sa kanilang pamilya.

 

 

Sinabi rin ng Pangulo na maswerte ang kanilang pamilya na nasa kanilang tabi ang Unang Ginang.

 

 

“To this dear lady, who not only fills our home with love but stands ready to defend her family at any turn — happy Mother’s Day! We are incredibly lucky to have you on our side,” anang Chief Executive.

 

 

“Your strength and compassion not only safeguard our family but also uplift our entire nation,” dagdag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Nabakunahang health worker namatay dahil sa COVID-19–DOH, FDA

    Nilinaw ng Department of Health at Food and Drug Administration na hindi COVID-19 vaccine ang nasa likod ng pagkamatay ng isang healthcare worker na napabalitang nabakunahan laban sa sakit.     Nitong araw inamin ng mga ahensya na noong March 15, isang healthcare worker, na naturukan ng COVID-19 vaccine, ang binawian ng buhay.     […]

  • DOLE mamimigay ng libreng bisikleta sa mga displaced workers na interesado sa delivery service

    MAMIMIGAY ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng bisikleta sa buong bansa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho pero nais maging delivery service riders sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla, nakatakdang ilunsad ang programang ito sa susunod na linggo.   Aabot sa […]

  • Lao, nasa Pinas pa- Sec. Roque

    WALANG indikasyon na wala na sa Pilipinas si dating Undersecretary Christopher Lloyd Lao ng Department of Budget and Management (DBM), na nasa ilalim ngayon ng Senate probe ukol sa bilyong halaga na binili di umano ng gobyerno na COVID-19 pandemic supplies mula sa maliit na kumpanya.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry […]