PBBM, nagpaabot ng pagbati kay PDU30 na nagdiwang ng kanyang ika-78 kaarawan
- Published on March 30, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT nang pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagdiwang ng kanyang ika-78 kaarawan, Marso 28,2023.
Sa kanyang official Facebook page, sinabi ni Pangulong Marcos na “What a pleasure for me to wish happy birthday to ating predecessor, PRRD. Happy birthday to you, Mr President.”
Sinabi pa ni Pangulong Marcos, naiintindihan na niya ngayon si Duterte kung bakit kung minsan, noong Pangulo pa siya ng Pilipinas ay napapamura ito.
“Now I know why. Pero huwag niyong inaalala lahat ng magandang sinimulan ninyo, we will continue to work on it. We will contineu to make sure that those projects that you started will be successful and I am glad that I am able to continue the good work that you started,” ani Pangulong Marcos.
Hindi naman alam ni Pangulong Marcos kung paano makakapag-relax pa si Duterte matapos ang “lifetime of work” subalit umaasa siya na maghihinay-hinay na ito sa trabaho at magkaroon ng maayos na selebrasyon ng kanyang kaarawan.
“And so… I don’t know kung makapag-relax ka because after a lifetime of work, I don’t know if you still know how to take it easy but if you got the chance, please have a good celebration. happy, Happy birthday PRRD!,” ang pagbati ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Pinas, nananawagan sa mga kapwa bansa na ipagbawal ang paggamit ng chemical weapons sa mga conflict areas
NANAWAGAN ang Pilipinas sa mga kapwa bansa na tiyakin na walang chemical weapons at iba pang weapons of mass destruction na gagamitin para protektahan ang sibilyan sa mga conflict areas o lugar na may labanan. Sa idinaos na 99th Session ng Executive Council ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) na […]
-
‘Alien: Romulus’ Cemented Itself as a Notable Box Office Performer
THE Alien franchise has a big hit thanks to Alien: Romulus’ box office performance, as its domestic and worldwide opening total is excellent for the series. Director Fede Álvarez was responsible for relaunching Ridley Scott’s horror/action sci-fi franchise seven years after Alien: Covenant disappointed financially. Although the 2017 film […]
-
PBBM, nagtalaga ng ilang bagong opisyal sa CICC ng DICT
PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa pamahalaan. Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng ilang bagong opisyal sa Cybercrimes Investigation and Coordinating Center na nasa ilalim ng Department of Information and Communication Technology (DICT). Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga itinalaga ng […]