• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa Barangay, SK-elect officials; pinaalalahanan ang mga ito na maging “tapat at taus-pusong” magsilbi sa nasasakupan

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong halal  at re-elected barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials sa katatapos lamang na halalan, araw ng Lunes. 
Pinaalalahanan niya ang mga ito na maging tapat at taus-pusong magsilbi sa kanilang nasasakupan.
Sa isang video message, umaga ng araw ng Martes, Oktubre 31, binigyang diin ni Pangulong Marcos na  ang barangay at SK officials ay may mahalagang papel na ginagampanan sa komunidad.
Hinikayat niya ang mga ito na  “to serve the people wholeheartedly and to always prioritize their welfare.”
“Binabati ko ang lahat ng mga bago at muling nahalal na barangay at SK officials. Napakahalaga po ng inyong papel sa ating lipunan,” ayon kay Pangulong Marcos, ilang oras matapos na tuldukan ng Commission on Elections (Comelec)  ang barangay at SK polls, araw ng Lunes, Otubre 30.
“Isang panibagong pagkakakataon na naman po ito upang makapag serbisyo sa mga Pilipino at sa ating bayan nang buong puso at higit pa sa abot ng ating kakayahan. Maging tapat po tayo sa lahat ng oras. Lagi po nating unahin ang kapakanan ng sambayanan sapagkat sila po ang dahilan kung bakit nais nating magsilbi sa bayan,” dagdag na wika nito.
 “Sa ating pagkakaisa at kolektibong pagsisikap, tiyak na maisusulong natin ang ‘Bagong Pilipinas’ kung saan ang bawat barangay ay mapayapa, masaya, at maunlad kung saan nananaig ang pagkakaisa, pagkakaunawaan, at kasaganaan at kung saan ang bawat mamamayan ay taas-noo bilang mga Pilipino,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo.
Samantala, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na inaasahan na nila ang 70 hanggang 75%  voter turnout para sa barangay at SK elections, may bahagyang pagtaas mula sa  2018 elections na mayroon lamang ssa pagitan ng 70 hanggang 71%.
Tinuran pa ni Garcia na maayos na naisagawa ang barangay at SK polls at mapayapa sa pagkalahatan.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang  sambayanang filipino at ang bawat isa na lumabas at binigyang karapatan ang kanilang pagboto sa katatapos lamang na halalan sa bansa. (Daris Jose)
Other News
  • Mayroong PBA Special Draft muli sa Marso 14 – Marcial

    MULING pinagbigyan ng Philippine Basketball Association ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na magsagawa ng Special Draft para sa Gilas Pilipinas sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021 sa darating na Marso 14.     Pero aaralin pa ng national sport association o national governing sport body (SBPI) ang mga bubunitin sa special draft […]

  • Nadal, Djokovic at Williams nakalista na sa US Open tuneup games

    Lumahok sa US Open tune-up tournament sina top-ranked Novak Djokovic, world number two Rafael Nadal at Serena Williams. Ito mismo ang kinumpirma ng organizers ng ATP at WTA Western at Southern Open. Unang plano itong gagawin sana sa Cincinnati pero ito ay inilipat sa New York dahil sa coronavirus pandemic. Gaganapin ito mula Agosto 20 […]

  • DOH pinag-aaralan kung irerekomenda na COVID-19 ‘self-test’ kits

    Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung imumungkahi na nito sa publiko ang paggamit ng COVID-19 test kits para ma-test ang sarili.     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagkita na ang DOH sa Food and Drug Administration (FDA) at mga dalubhasa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para rito.   […]