• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa INC sa ika-109 na Anibersaryo ng Pagkakatatag

NAGPAABOT ng kanyang mainit na pagbati si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kapatid na Iglesia Ni Cristo (INC) na nagdiriwang ngayon ng kanilang 109th Founding Anniversary (Anibersaryo ng Pagkakatatag).

 

 

Ang wish niya sa religious organization ay magkaroon pa ng mas maraming lakas para isulong ang kanilang misyon hindi lamang para  sa kanilang samahan kundi sa buong bansa.

 

 

“Kaisa ng sambayanang Pilipino, binabati ko ang bawat Kapatid ng Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong ika-109 na Anibersaryo ng Pagkakatatag,”  ang mensahe ng Pangulo sa  INC.

 

 

“Nawa’y sa selebrasyong ito, higit pang tumibay ang inyong pagkakaisa sa pananalangin at pagkilos tungo sa katuparan ng inyong mga layunin at mithiin para sa inyong simbahan at sa buong sambayanan,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Umaasa naman ang Pangulong  Marcos na magpapatuloy ang pag-unlad at pagiging matatag ng religious institution sa mga darating na taon.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na patuloy na naglilingkod ang INC  bilang gabay na liaw sa  kanilang kalupunan upang maging  “strongly united group.”

 

 

Binigyang diin pa rin ng Punong Ehekutibo na nagagalak siya na ang INC, ang mga minister, at mga miyembro nito ay “religiously sharing their faith and teachings” hindi lamang sa pamamagitan ng ebanghelisasyon kundi maging sa pamamagitan ng kanilang ” acts of charity.”

 

 

“Gawin ninyong bukal ng lakas at inspirasyon ang mga aral na iniwan ni Hesus. Ipagdasal po ninyo ang ating bansa at kapwa mga Pilipino na patuloy na pagpalain ng Panginoon at bigyan ng sapat na lakas upang harapin ang mga hamon ng bukas,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, umaasa rin ang Pangulo na  INC, sa ilalim ng liderato ni Executive Minister nito na si Ka Eduardo Manalo, ay magpapatuloy na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong para sa progresibo, mapayapa at nagkakaisang Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Free trade deal, ‘win-win strategy’ para sa Pinas at EU-PBBM

    HUMINGI ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa European Union-ASEAN Business Council (EU-ABC) at  European Economic Community (EEC) para sa pagpapatuloy ng negosasyon para sa free trade agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at  EU.      Ani Pangulong Marcos, ang pagtatatag ng isang  bilateral FTA ay   “win-win strategy” para sa dalawang partido, sabay […]

  • Ginawa ang lahat para maisalba ang relasyon: ALJUR, umamin sa vlog ni TONI na nagkasala kay KYLIE

    BONGGA si Toni Gonzaga dahil sa vlog niya ay umamin si Aljur Abrenica na nagkasala siya kay Kylie Padilla.     At ito ang dahilan kaya nagwakas ang kanilang relasyon.     “Yeah, totoo naman, totoo naman yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako,” pagbabahagi ni Aljur.     Ayon pa […]

  • ROLLOUT NG PFIZER COVID-19 VACCINES, SINUMULAN NA SA NAVOTAS

    NAGSIMULA  na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ng inoculation sa mga rehistradong residente at mga manggagawa sa ilalim ng A2 at A3 priority group ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines.     Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,170 vials, bawat isa ay naglalaman ng anim na doses, mula sa unang batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines […]