• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Pinoy na binitay sa KSA

NAGPAABOT nang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ng Filipino na binitay sa Kingdom of Saudi Arabia.

 

Sinabi ng Pangulo na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng posibleng legal remedies para iapela ang desisyon ng Saudi Arabia.

 

Tiniyak naman nito sa mga naulilang pamilya na tutulong ang gobyerno para maibalik sa bansa ang labi ng kanilang mahal sa buhay.

 

“That’s a terrible tragedy. Little we had left to do. We had very few options left. We tried everything and for many, many years. Our thoughts and prayers are with them. And we will… There is nothing that one can do to make it whole, but we will do our best,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“We’ll see what they need. But for someone who dies abroad, an OFW, there are many — we have many procedures for that to bring them back home. So, I don’t think that will be a problem,” aniya pa rin.

 

Sinabi pa ng Pangulo na halos lima hanggang anim na taon nilang inilaban ang kaso ng pinoy.

 

Nalaman lang niya ito ng manungkulan sa pwesto at sinabi sa kanya na matagal na ang naturang kaso.

 

May maliit na lamang aniya silang magagawa at wala na silang pagpipilian gawin bagamat umapela rin sila sa mga kaibigan nila sa Saudi na mayroong mabu­buting puso para muling suriin ang kaso para masiguro na tama ang hatol.

 

Samantala, sinabi naman ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nirerespeto ng Philippine Embassy sa Riyadh ang hiling na ‘privacy’ ng pamilya ng Pinoy. (Daris Jose)

Other News
  • Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon

    Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na security guard matapos barilin ng hindi kilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon city.     Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 […]

  • PBBM, itinaas ang budget ng NTF-ELCAC

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang Barangay Development Fund sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) mula P2.5 million sa P7.5 million kada barangay.   Sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director-General Jonathan Malaya na ang kabuuang P4.32 billion karagdagang budget ay mapakikinabangan ng 864 […]

  • Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG

    HIHILINGIN  ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus […]