• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagpalabas ng EO na nagbibigay umento sa sahod, benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno

NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 64, nagbibigay umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno at pinahihintulutan ang karagdagang allowance sa government workers.
Tinintahan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, may pahintulot ng Pangulo ang EO 64 noong Agosto 2, 2024. Kagyat itong magiging epektibo sa oras na mailathala sa Official Gazette, o sa isang pahayagan na may general circulation.
“Given the prevailing economic circumstances, including the erosion of purchasing power due to inflation, there is a need to update the salaries, and benefits of government personnel in order to maintain a competent, committed, agile and healthy workforce, thereby promoting social justice, integrity, efficiency, accountability, and excellence, and ultimately translating to increased productivity and higher-quality public service,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng EO 64, ang updated salary schedule ay inaplay sa lahat ng civilian government personnel sa Executive, Legislative and Judicial Branches; Constitutional Commissions at iba pang Constitutional Offices.
Ang Government-Owned or-Controlled Corporations (GOCCs) ay hindi saklaw ng RA 10149, o “GOCC Governance Act of 2011” at EO No. 150 (s.2021) at ang Local Government Units (LGUs) ay sakop din ng EO 64.
Ang ‘updated salary schedule’ ay ipatutupad ng National Government Agencies (NGAs) sa apat na tranches: first tranche noong Enero 1, 2024; second tranche sa Enero 1, 2025; third tranche sa Enero 1, 2026; at ang fourth tranche sa Enero 1, 2027.
Dahil sa EO 64, magiging epektibo na ang pagpapatupad ng first tranche, ibig sabihin magiging epektibo ang first tranche ‘retroactively’ sa petsang Jan. 1, 2024.
Maliban dito, ang mga kuwalipikadong government employees ay makatatanggap ng medical allowance na P7,000 per annum bilang subsidy para sa pag-avail ng health maintenance organization (HMO)-type benefits.
Samantala, inatasan naman ang Department of Budget and Management (DBM) na magpalabas ng kinakailangang guidelines para ipatupad ang ‘specific provisions’ ng EO 64.
Ang isang kumpletong kopya ng EO ay available sa Official Gazette, kung saan nakasaad ang iba pang ‘clauses’ gaya ng salary adjustment para sa LGU personnel at ang pagpopondo, bukod sa iba pa. (Daris Jose)
Other News
  • Gadgets na inisyu sa mga guro, ‘di binabawi ng DepEd

    PINABULAANAN  ng Department of Education (DepEd) sa National Capital Region (NCR) na inutusan nila ang mga guro na ibalik ang mga ibinigay nilang gadgets para sa distance learning.     Ito ang inihayag ni DepEd Spokesman Michael Poa bilang reaksyon sa pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagsabing  ipinababalik nila (DepEd) ang mga […]

  • Kapalaran ng e-sabong, posibleng desisyunan ng Pangulong Duterte

    PAG-AARALAN daw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon sa e-sabong sa bansa.     Ito ang inihayag ng Pangulong Duterte sa kanyang isinagawang inspection sa OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga.     Aniya, nasa kanya na raw ang naturang rekomendasyon at pag-aaralan muna niya ito bago magbigay ng kanyang desisyon bukas.     Kasunod […]

  • Sakop para imbestigahan ang korapsyon sa pamahalaan, pinalawig ni PDu30

    PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang saklaw ng imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force na binuo nito para tingnan ang korapsyon sa pamahalaan.   Ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   “It behooves upon me to see to it na […]