PBBM, nagpasaklolo na sa private banks sa pagtugon sa housing backlog
- Published on October 29, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa private banks at hiniling na makipagtulungan sa government financial institutions sa paggawa ng sistema na magpopondo para sa housing program ng kanyang administrasyon.
Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS), tinuran ni Pangulong Marcos ang “indispensable support” ng private banking sector sa idinaos na pulong sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang ibang opisyal kung saan tinalakay ang housing backlog ng bansa.
Ayon sa OPS, ang backlog ay tinatayang aabot sa 6.5 million units sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos sa 2028.
Nauna rito, sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Acuzar, para matugunan ang bagay na ito, layon nila na magtayo ng isang milyong pabahay kada taon sa ilalim ng administrasyong Marcos na nangangailangan naman ng annual budget na ₱36 billion.
Upang maisakatuparan ang “ambitious program” ng Pangulo, sinabi ng OPS na nais ng Punong Ehekutibo na lumikha ng financing system “to find the country’s cash flow that will support the endeavor.”
Ipinanukala rin ng Pangulo, ayon sa OPS ang incentivizing private entities na makatutulong sa pagsisikap na ito.
“I think we can, there should be sufficient incentives… [an] arrangement for the private banks to come in,” ayon kay Pangulong Marcos.
Maliban kina Pangulong Marcos at Acuzar, ang miting ay dinaluhan ng mga pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Bureau of Treasury, Pag-IBIG, Government Service Insurance System, Philippine National Bank at Land Bank of the Philippines.
Idinagdag pa ng OPS na nagpahayag ng kani-kanilang pagsuporta ang mga kinatawan ng BDO, Metrobank, Union Bank, Ayala Corporation, at China Bank sa housing program ng administrasyong Marcos, sabay sabing tutulong sila sa pag-develop ng financing system. (Daris Jose)
-
Krudo papalo na sa P100 kada litro
PINANGANGAMBAHAN na sa lalong madaling panahon ay pumalo na sa P100 ang halaga ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa bansa. Nitong Martes (Marso 8) naitala ang pang-10 at pinakamataas na price increase sa diesel na P5.85, gasolina na P3.85 at P4.10 sa kerosene sa kada litro simula nitong Enero 2022. […]
-
James malapit ng malampasan ang record ni Kareem Abdul-Jabbar
Naging pangalawang manlalaro si LeBron James ngayong Linggo (Lunes sa Manila) sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit 38,000 puntos, kasama si Kareem Abdul-Jabbar sa isang elite club. Naabot ni James ang milestone sa laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers. Sumalpak ang apat na beses na NBA […]
-
Paggamit ng booster shots ‘di pa inirerekomenda sa ngayon – DOH
Nanindigan ang DOH na hindi pa inirerekomenda sa ngayon ang paggamit ng booster shots ng COVID-19 vaccine dahil wala pang sapat na ebidensiya ng pangangailangan ng karagdagang dose ng covid vaccine. Binigyang diin ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi pa aniya mairerekomenda ang paggamit ng booster shots hanggang wala pang pinanghahawakan […]