• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagpulong ukol sa economic situation sa Pinas

TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Martes, sa kanyang gabinete  ang  kasalukuyang economic situation sa bansa.

 

 

Ito’y matapos na pangunahan  ni Pangulong Marcos ang unang Cabinet meeting sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.

 

 

Ang miting na dapat ay nagsimula ng alas-9 ng umaga ay nagsimula ng “15 minutes earlier” kaysa sa itinakdang oras.

 

 

Ang Philippine economy ang  unang isyu na tinalakay ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng kanyang gabinete lalo na sa kanyang  economic team na kinabibilangan nina Finance Secretary Benjamin Diokno, Socioeconomic Planning Secretary and National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Felipe Medalla.

 

 

Sa maikling video clip  na in-upload sa Facebook page ng Radio Television Malacañang’, hiniling ni Pangulong Marcos sa kanyang  economic managers  na simulan ang miting sa isang presentasyon ng kasalukuyang estado ng  Philippine economy.

 

 

“I ask what we call the economic groups, which is the Secretary of Finance (Diokno), the BSP governor (Medalla), and the NEDA (Director General Balisacan), to give us a briefing on the general situation economically because I think we can all understand that the most important area that we will have to deal with will have to be economy,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang  “central policy” ng kanyang administrasyon  ang susunod na lilikhain ng  economic team.

 

 

“The central policy actually that everybody else will eventually be following will be that set out by our economic managers,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Kasama naman sa dumalo sa miting sa Malakanyang sina Vice President and Education Secretary Sara Duterte-Carpio, Executive Secretary Victor “Vic” Rodriguez, at Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles.

 

 

Ang Agriculture, finance, transportation at education sectors were ay kabilang sa mga pangunahing items  na tinalakay sa unang  Cabinet meeting.

 

 

Hindi pa nakapagpapalabas ang Malakanyang ng karagdagang detalye hinggil sa “first meeting” ni Pangulong Marcos sa kanyang gabinete.

 

 

Sa hiwalay na Facebook post,  sinabi naman ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ang mga attendees ay sumailalim sa mandatong antigen testing.

 

 

Nananatili namang hindi kumpleto ang gabinete ng Pangulo dahil hindi pa nakapagtatalaga ng  mga Kalihim sa ilang departamento kabilang na ang  Department of Health (DoH).

 

 

Si Pangulong Marcos ay nasa “final stage” sa ebalwasyon ng mga  kandidato para sa vacant posts sa kanyang  gabinete, ayon naman kay Cruz-Angeles.

 

 

Tinanggihan naman ni Pangulong Marcos ang panukalang retrenchment ng ilang government personnel na kumolekta ng mas maraming pondo para mapanatili ang pagsisikap na mapabilis ang economic recovery ng bansa mula sa umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic,  ayon naman sa panibagong Facebook post ni Tulfo.

 

 

“We don’t want anyone out of job at this point,” ang sinabi ni Pangulong Marcos,  ayon kay Tulfo.

 

 

Sa isang text message, sinabi naman ni  Solicitor General Menardo Guevarra na “controlling inflation, ensuring food security, supporting the transportation sector, and resuming the face-to-face classes were among the issues raised during the four-hour Cabinet meeting.”

 

 

Ang  unang Cabinet meeting,  ayon kay Guevarra  ay  “very productive” as Marcos handled it “extremely well.”

 

 

“He (Marcos) is knowledgeable, organized, and very sharp,” ani Tulfo sabay sabing “Other areas of concern will be discussed in subsequent meetings of the Cabinet.”  (Daris Jose)

Other News
  • Possible paralysis kung ‘di naagapan ng doktor… KC, nakaranas ng matinding ‘neurological effect’ dahil sa COVID-19

    SA Instagram Story ni KC Concepion noong Friday, May 6, ibinahagi na nakaranas siya ng matinding neurological effect dahil sa pagkakaroon ng COVID-19.     Kaya naman ganun na lang pasasalamat sa kanyang doktor dahil naagapan ang kanyang sakit.     “I have my dearest doctor, the brilliant Dr. Albert Recio @harvardhopkinsmd to thank, for […]

  • PDu30, inamin na sinadya na hindi magpakita sa publiko ng 2 linggo

    MULING kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko matapos na hindi siya magpakita ng dalawang linggo sa publiko.   Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na sinadya na mawala ng ilang araw.   “Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako […]

  • Paglagda ni PBBM sa Eddie Garcia Law na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa entertainment industry, ikinatuwa ni Speaker Romualdez

    IKINATUWA ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa Eddie Garcia Law, na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa sa movie, television at entertainment industry.       “The tragic loss of Eddie Garcia, a beloved icon in our film and television world, underscored the urgent need for stronger protections for our […]