• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nais na ibalik ang old school calendar ngayong taon

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibalik ang old school calendar ‘as early as next school year’ (2024-2025) para maiwasan ang kanselasyon ng klase dahil sa matinding init ng panahon na dala ng El Niño phenomenon.

 

 

Sa isang panayam sa sidelines ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Day sa Pasay City, araw ng Lunes, sinabi ng Pangulo na hiniling na niya kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na maghanda ng konkretong plano ukol sa paglipat sa old school calendar.

 

 

“Well, of course, hiningi ko ‘yan sa DepEd and asked Inday Sara to give me already a concrete plan because mukha naman hindi na tayo kailangan maghintay pa. At mukha naman kailangan na at I don’t see any objections really from anyone,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Especially, with the El Niño being what it is. Every day you turn on the news, F2F classes are cancelled, F2F classes have been postponed, etcetera. So, talagang kailangan na kailangan na. So, yes. That’s part of the plan that we are trying to do to bring back already the old schedule,” dagdag na pahayag nito.

 

 

May ilang eskuwelahan sa malaking bahagi ng bansa ang tumalon na sa online classes para protektahan ang mga kabataan mul sa matinding init ng panahon.

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na ang pagbabalik sa old school calendar days “will be better for the kids.” (Daris Jose)

Other News
  • SHARON, posible na isa sa surprise guest star para sa 6th anniversary ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, LORNA at ROSANNA, nagkabati na dahil sa serye

    EXCITED ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta sa chika na baka isa ang megastar sa surprise guest star for the 6th anniversary ng long-running action-serye na FPJ’s Ang Probinsyano.     Kalat na kalat sa social media ang chika na may isang big star na lalabas sa FPJAP at ang hula ng mga fans ni […]

  • Mga apektadong negosyo, pinagsusumite ng report ng DOLE

    Hinikayat ng Labor and Employment (DOLE) ang mga establisimyento na apektado ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic na magsumite ng report sa “DOLE Establishment Report System.”   “Be informed that effective July 08, 2020, establishments are advised to access https://reports.dole.gov.ph and submit reports online,” lahad ng DOLE CALABARZON sa Facebook post.   Kasama sa report ang […]

  • Ayaw nang itago kaya ipinagsigawan na… KLEA, matapang na inamin na gay at may rainbow heart

    NAG-OUT na nga ang Kapuso star at StarStruck 6 winner na si Klea Pineda.     Sa kanyang Instagram sa mismong kaarawan niya (March 19), proud na in-announce ng AraBella star na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.     Ayaw na raw itago ni Klea kung ano talaga siya at ipagsisigawan pa raw niya ito. […]