PBBM, naka-monitor kay ‘Leon’… Tulong ng gobyerno, umabot na sa P895-M
- Published on November 1, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGPIT na naka-monitor si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtugon ng pamahalaan sa mga apektado ng pananalasa ng Super Typhoon Leon, partikular na sa Northern Luzon.
Sa katunayan ayon sa Presidential Communications Office (PCO), walang public engagements si Pangulong Marcos, araw ng Huwebes, Oktubre 31 at dadalo lamang sa mga pribadong pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang habang pinangangasiwaan ang lahat ng mga kaganapan na may kinalaman sa super typhoon.
Nauna rito, inatasan ni Pangulong Marcos ang local government units (LGUs) na maghanda para kay Leon.
Sa pinakabagong bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sinasabi na napanatili ni Leon ang kanyang lakas habang kumikilos patungong northwestward malapit sa Batanes, kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4.
Ang TCWS No. 3 ay nakataas sa hilagang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Islands at Calayan Islands), kung saan inaasahan ang ‘storm-force winds’.
Mananaig naman ang ‘gale-force winds’ sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 2: natitirang bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, hilagang bahagi ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, at Palanan), Apayao, at Ilocos Norte.
Mararanasan naman ang malakas na hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1: natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, hilaga at gitnang bahagi ng Nueva Vizcaya (Bayombong, Dupax del Norte, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Kayapa, Santa Fe, Kasibu, Aritao, Bambang, Diadi, Dupax del Sur, Quezon, at Solano), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, at hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, at Dilasag).
May mga bahagi sa Luzon ang nananatili pa ring sumusuray sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine, nanalasa sa Isla noong nakaraang linggo.
Samantala, sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naglaan ang pamahalaan ng P895.66 million na tulong para sa mga biktima ng Kristine at Leon.
Saklaw ng alokasyon ay ang food at non-food items na ang suplay ay mula sa Department of Social Welfare and Development, Office of Civil Defense, at LGUs.
Ang kontribusyon mula sa iba’t ibang non-government organizations ay kasama rin sa alokasyon.
Sa ngayon, mayroon ng mahigit sa 1.89 milyong pamilya o 7.49 milyong indibiduwal sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang apektado ng masamang panahon.
Samantala, “damage and losses to agriculture totaled PHP2.9 billion in nine regions – the Cordillera region, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, and Soccsksargen”, ayon sa ulat.
Ang pinsala sa imprastraktura ay tinatayang umabot na sa P6.39 billion para sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Central Visayas, Northern Mindanao, at Soccsksargen.
Iniulat din ng NDRRMC na may 150,511 ang nasirang bahay habang 211 LGUs ang nagdeklara ng state of calamity sa kani-kanilang lokalidad. (Daris Jose)
-
18-anyos at 8 minors na mga babae, narescue sa human trafficking sa Caloocan
NAILIGTAS ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang siyam na kabataang babae, walo sa mga ito ay mga menor-de-edad sa isang entrapment at rescue operations kontra sa online sexual exploitation at human trafficking sa Caloocan city. Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Jay Dimaandal, ang operation ay nagmula […]
-
Magkapatid arestado sa baril at shabu sa Valenzuela
Arestado ang isang wanted person at kanyang kapatid na babae matapos makuhanan ng baril at higit P.5 milyon halaga ng shabu makaraang isilbi ng pulisya ang warrant of arrest kontra sa isa sa mga suspek sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga naarestong suspek na si Jeremy Flores y Elefanio, 28, […]
-
P6.352-T national budget para sa 2025 pasado na sa Kamara
INAPRUBAHAN na ng House of Representatives ang P6.352-trillion national budget ng taong 2025. Ang nasabing pag-apruba ay isang araw matapos sertipikahan ito Pangulong Ferdinand Marcos Jr na urgent. Mayroong kabuuang 285 na kongresista ang bumuto na pumabor sa House Bill 10800 o kilala bilang “An Act Appropriating Funds for the Operation […]