• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakidalamhati para sa mga biktima ng bagyong ‘KRISTINE’ sa BATANGAS

NAG-ALOK si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng memorial mass, araw ng Lunes, para sa mga nasawi sa panahon ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine sa Barangay Sampaloc, Talisay Batangas.

 

“Nais ko pong ipaabot ang aming taos-pusong pakikiraramay sa bawat Pilipinong naapektuhan ng Bagyong Kristine,” ayon kay PangulongMarcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang distribusyon ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFF) sa Talisay, Batangas.

 

Nagbigay ng maikling pahayag ang Pangulo matapos ang memorial mass, dinaluhan ng 100 indibiduwal kabilang na ang mga pamilya ng biktima at residente ng Ground Zero sa Barangay Sampaloc.
Ang Batangas ang naiulat bilang pinakamataas na bilang ng mga nasawi, may 61 ang namatay, 20 mula sa Talisay.

 

Karamihan sa mga nasawi ay resulta ng landslides at pagalunod. Nag buong lalawigan ng Batangas ay nasa ilalim ng state of calamity.

 

Nauna rito, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Lunes, Nobyembre 4, 2024, bilang Day of National Mourning para sa mga biktima ng malakas na pag-ulan, pagbaha, at malakas na hanging dulot ni Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).

 

Sa kanyang Proclamation No. 728, ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa awtoridad ng Pangulo, sinabi ni Marcos na ang pagkakasa sa Nobyembre 4 bilang national day of mourning ay “in solidarity with the bereaved families and loved ones of those who perished due to the devastation brought by Severe Tropical Storm Kristine.”

 

“The entire nation is requested to offer prayers for the repose of the souls of the victims,” anang Pangulo.

 

Sinabi ni Marcos na sa Nobyembre 4, dapat itaas ang national flag nang half-mast mula pagsikat ng araw hanggang paglubog nito sa lahat ng government buildings at installations sa buong Pilipinas at sa ibang bansa.

 

Ipinalabas ang Proclamation No. 728 noong Oktubre 30, 2024.

 

Sa situation report hanggang alas-8 ng umaga ngayong Nobyembre 2, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang bilang ng mga nasawi kay Kristine ay 146, habang 91 ang sugatan at 19 ang naiulat na nawawala. (Daris Jose)

Other News
  • ORGANIZERS NG OLYMPICS NATUWA SA BALITA NA MAY COVID-19 VACCINE NA

    IKINATUWA ng Tokyo Olympics organizers ang balitang mayroon ng coronavirus vaccine pero sinabi nitong tuloy pa rin ang kanilang mahigpit na bio- security planning para sa naunsiyameng Games.   Ayon sa Olympic officials, hindi basehan ang pagkakaroon ng COVID-19 para matuloy o maidaos ang Olympics sa 2021.   Pero sinabi nito na kung magkakaroon ng […]

  • RICH, binalita na nakagawa ng TVC sa Australia kasama ang kanyang mag-ama

    MAY pagkakataon daw na natulala ang Kapuso actress na si Faith da Silva tuwing kaeksena niya si Albert Martinez sa teleserye na Las Hermanas.     Ilang beses daw siyang nate-take two dahil sobrang starstruck siya sa veteran actor.     “Yung experience na naalala ko nagba-buckle ako, pero it’s a learning experience for me […]

  • Ads July 28, 2022