PBBM, nakiisa sa buong mundo sa pagkilala sa papel ng mga kababaihan
- Published on March 10, 2023
- by @peoplesbalita
SALUDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kababaihan na patuloy na nagpapakita ng tapang at determinasyon sa kanilang tahanan, trabaho, at komunidad.
Ito ang naging posts ng Pangulo sa kanyang Facebook at Twitter account.
“Happy International Women’s Day!” ang post ng Pangulo kasama ang larawan ng kanyang may-bahay na si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at mga babaeng Cabinet officials kabilang na sina Vice President at Education Secretary Sara Duterte, Migrant Workers Secretary Susan Ople, Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil. Environment Secretary Maria Antonia Loyzaga, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Health Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire, at Tourism Secretary Christina Frasco.
“International Women’s Day is celebrated every March 8 to recognize women for their achievements without regard to divisions, whether national, ethnic, linguistic, cultural, economic, or political,” ayon sa United Nations (UN).
Ang unang naitalang pagdiriwang ng International Women’s Day ay noong 1911 sa Austria, Denmark, Germany, at Switzerland kung saan mahigit sa milyong katao ang nagsama-sama para suportahan ang women’s rights.
Sa Pilipinas, ipinagdiriwang nito ang National Women’s Day tuwing Marso 8 sa pamamagitan ng Republic Act No. 6949.
Proclamation 224 kung saan idineklara rin ang Marso 8 bilang “Women’s Rights and International Peace Day” at ang unang linggo ng Marso bilang Women’s Week habang ang Proclamation 227 ay idineklara naman bilang “Women’s Role in History Month.”
“This year’s National Women’s Day celebration goes by a recurring theme from this year to 2028 namely “WE for gender equality and inclusive society”, ayon sa Philippine Commission on Women (PCW) website.
“WE” ay nangangahulugan na Women and Everyone and Women’s Empowerment.
“The recurring theme aligns with the Philippine Development Plan 2023-2028, which aims for “deep economic and social transformation to reinvigorate job creation and accelerate poverty reduction by steering the economy back on a high-growth path.” ayon sa ulat.
“It also highlights that growth must be inclusive, building an environment that provides equal opportunities to all Filipinos and equipping them with skills to participate fully in an innovative and globally competitive economy,” ayon pa rin sa ulat. (Daris Jose)
-
Pinakabagong ‘hacking attempts” sa iba’t ibang gov’t website, “sophisticated”
KINOKONSIDERA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na “sophisticated” ang pinakabagong hacking attempts sa iba’t ibang government websites na naka-link sa IP addresses ng China-backed telcofirms. Inamin ni DICT Undersecretary for Infostructure Management, Cybersecurity and Upskilling Jeffrey Ian Dy na ito’y mas “complicated” kaysa sa nagdaang hacking attempts na napigilan ng […]
-
Biado naghahanda na sa pagsabak sa SEA Games
Tiniyak ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang pagsali nito sa Southeast Asian Games sa Vietnam. Matapos kasi ang panalo nito sa US Open Championship noong Setyembre 18 ay lumakas ang kumpiyansa nito para sa pagsali sa SEA Games sa 2022. Bukod pa sa SEA Games ay isa ring pinaghahandaan nito […]
-
Uulan ng saya at babaha ng papremyo ngayong Hulyo: ‘Family Feud’ na hino-host ni DINGDONG, mamimigay ng higit 2 milyon kada linggo
SIMULA sa Lunes, Hulyo 8, hindi lang ang mga masugid na manonood ng award-winning na game show ng GMA Network, ang “Family Feud” ay may pagkakataong manalo sa all-new promo na “Guess to Win,” kundi pati na rin ang mga loyal viewers ng buong GMA Afternoon Prime block. Bilang “Family Feud” host at […]