• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Skyway Stage 3, toll free pa – TRB

Libre pa ring magagamit ng mga motorista ang  Skyway Stage 3 hanggang hindi pa naisasapinal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukalang toll rates dito.

 

 

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, hangga’t hindi pa nagbibigay ng pormal na pag-apruba ang TRB sa ipinapanukalang toll rates sa Skyway Stage 3 ay hindi pa rin maaaring singilin ng toll fee ang mga motoristang dumaraan doon.

 

 

Ipinaliwanag ni Corpus na sa ngayon ay sinusuri pa nilang mabuti ang lahat ng konsiderasyon, gaya ng kung magkano pa ang toll fee na dapat kolektahin, upang maging katanggap-tanggap  ito para sa mga motorista.

 

 

“Hangga’t hindi pa nag-iisyu ng formal approval ang pamunuan natin dito ay hindi pa sila pwedeng maningil,” ani Corpus. “Sinusuri po natin mabuti ang lahat ng mga kunsiderasyon upang pag nagbigay ng ating approval ang ating pamunuan kung magkano ang toll fee ang kokolektahin, eto sana ay maging katanggap-tanggap at rasonable sa ating motorista,” aniya pa.

 

 

Matatandaang nitong Enero ay binuksan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang Skyway Stage 3 sa mga motorista at isang buwan itong ipinagamit ng libre.

 

 

Anang SMC, sisimulan nila ang pa­ngongolekta sana ng toll fee na mula P110 hanggang P274 sa Skyway Stage 3 simula kahapon, Pebrero 1.

 

 

Samantala, base naman sa obserbasyon ni Corpus ay malaki ang naitulong ng bagong bukas na Skyway sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA.

 

 

Aniya, mahigit kalahati kasi ng may 80,000 motorista na dating dumaraan sa EDSA ay dumaraan na ngayon sa Skyway Stage 3. (Daris Jose)

Other News
  • Normal ang operasyon ng PUVs sa bansa-Malakanyang

    TINIYAK ng Malakanyang na walang magiging aberya maliban sa kaunting ruta sa  National Capital Region (NCR) sa gitna ng  nagpapatuloy na  transport group strike. Tinukoy ang mga ulat mula sa  DOTr, LTFRB, MMDA at PNP, sinabi ng Malakanyang na sa pamamagitan ng  Libreng Sakay program, nagbigay ang gobyerno ng libreng sakay para sa mga commuters […]

  • Ads February 16, 2024

  • BARKONG PANGISDA NG CHINA, TINULUNGAN NG PCG

    NIRESPONDEHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barkong pangisda ng China sa bahagi ng baybayin sakop ng Eastern Samar.     Ayon kay Commodore Arman Balilo, nakatanggap ng distress call ang PCG ngayon umaga mula sa dayuhang barko na may pangalang KAI DA 899 kaya agad rumisponde ang coast guard personnel.     Sa […]