• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakiisa sa Muslim community sa pagdiriwang ng Isra Wal Mi’raj

NAKIISA si Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr. sa Muslim community sa pagdiriwang ng ‘Isra Wal Mi’raj” o The Night journey and Ascension of the Prophet Muhammad.

 

 

“As one of the most celebrated events in Islam, The Night journey and Ascension of the Prophet Muhammad (peace be upon him) gives a perfect picture of the rewards that our Muslim brothers and sisters may reap by having faith in the All-Hearing and All-Seeing Allah,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos.

 

 

“More than that, the narrative also magnifies the glory and might of Allah who revealed, during this difficult and perilous journey, the virtue of pursuing righteousness and the incomparable prize that await us when we remain true and devoted to our faith and our convictions,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

 

Binigyang-diin ng Chief Executive na ang nasabing okasyon ay pinagmumulan ng lakas para mapanghawakan at maharap nila ang mga mahihirap at mabibigat na mga pangyayari sa kanilang buhay.

 

 

“Through these, we are forged to become not only living witnesses of our faith but also Allah’s agents of transformation a n d renewal here on Earth,” aniya pa rin.

 

 

“Let this occasion imbue us with increased courage and optimism as w e collectively face and transform the future of our nation to be more peaceful, inclusive, and progressive for all Filipinos to enjoy,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Para sa mga Muslim, ang araw na ito ay nauugnay sa paglalakbay ni Propeta Mohammad mula sa Mecca patungong Jerusalem at sa kanyang pag-akyat sa langit. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 14, 2024

  • P3.8 bilyong pondo para sa free WiFi program expansion, ikinagalak

        IKINATUWA ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang anunsyo ng Department of Budget Management (DBM) na pagpapalabas ng P3.8 bilyong pondo para sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan na “free nationwide Wi-Fi”.       Agad hinimok ni Tolentino ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ang implementing agency ng ‘Free […]

  • Kasong murder sa mga may sakit ng Covid-19 na hindi nag-iingat para makahawa ng iba

    MAAARING panagutin sa kasong murder ang mga may sakit ng COVID-19 na hindi nag-iingat para na hindi makahawa ng iba.    Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay tila pinaboran ng Chief Executive ang naging mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na may mga mabibigat […]