PBBM, nakipagpulong sa Pinoy community sa US, nagpasaklolo at humingi ng suporta para sa turismo
- Published on September 20, 2022
- by @peoplesbalita
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino community sa New Jersey, USA.
Hinikayat niya ang mga ito na suportahan ang turismo at mamuhunan sa Pilipinas.
Hinarap ni Pangulong Marcos ang mga Filipino na nagmula hindi lamang sa New Jersey kundi maging sa New York at Canada na nagtipon-tipon sa New Jersey Performing Arts Center.
Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo, kinilala nito ang mga sakripisyo at ambag ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa economic recovery.
“Kahit nasa malayo kami ay pinapanood namin kayo, pumuputok po ang puso namin ‘pag nakita namin ang inyong ginagawa na itinataas at pinapatingkad ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo,” ayon kay Pangulong Marcos.
Pinasalamatan din ng Chief Executive ang mga Filipino sa Estados Unidos sa kanilang remittances account na pumalo sa 40% ng mahigit sa $3.4 billion total remittances.
“‘Yung remittances na pinadala ninyo, alam ko ang iniisip ninyo ay tulungan ang mga pamilya ninyo. Pero kahit hindi niyo nararamdaman, malaking naitulong ninyo sa ekonomiya ng Pilipinas. At siguro hindi lang malaki ang naitulong, binuhay ninyo ang ekonomiya ng Pilipinas,” ayon sa Pangulo.
“We have over 10 million kababayans all over the world, and as your President, I understand and know fully well the significant impact of the Philippine diaspora on our motherland, especially in terms of supporting our post-pandemic economic recovery,” ang dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Pinasalamatan din nito ang mga medical frontliners para sa kanilang kabayanihan lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic nang maipamalas ng mga ito ang kanilang mahalagang naging kontribusyon.
Hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang audience na magkapit-kamay para i-promote ang “tourism, invest” sa Pilipinas at mangyaring bisitahin ang bansa upang maipakita ang ganda nito.
Malaki aniya ang maitutulong nito para sa economy recover, at isa aniya ito sa prayoridad ng kanyang administrasyon.
Tinatayang may 100,000 Filipino ang nakatira sa New Jersey, karamihan sa mga ito ay health workers.
Sa kabilang dako, kasalukuyang nasa Estados Unidos na si Pangulong Marcos para makibahagi sa ika-77 na United Nations General Assembly (UNGA).
Sa kanyang arrival sa United States of America, dinaluhan ng Punong Ehekutibo ang pagtitipon ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center sa New Jersey.
Sa mga darating na araw, makikipagpulong naman ang Pangulo sa iba’t ibang world leaders, business people, at potential investors at magtatalumpati sa economic briefings sa New York.
“In the coming days, so besides the meetings with the political leadership, it will also be for potential investors, other business leaders dahil gusto natin para paahunin nga natin, para pasiglahin natin ang ekonomiya na makapag-invest at ‘pag nag-invest mayroong bagong negosyo. Kapag may bagong negosyo, may trabaho,” anito.
Kabilang naman sa mga opisyal ng pamahalaan na kasama ni Pangulong Marcos sa working visit niyang ito ay sina Unang Ginang Louise Araneta-Marcos, Ambassador Jose Manuel G. Romualdez, Ambassador Antonio Manuel R. Lagdameo Sr., Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at mga anak na sina Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos III, at Joseph Simon A. Marcos.
Kasama rin ng Pangulo ang ilan sa miyembro ng kanyang gabinete gaya nina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, DFA Sec. Enrique Manalo, Finance Sec. Benjamin Diokno, Budget Sec. Amenah Pangandaman, NEDA Sec. Arce Balisacan, BSP Gov. Felipe Medalla, DOT Sec. Christina Frasco, DPWH Sec. Manuel Bonoan, DOTr Sec. Jimmy Bautista, DICT Sec. Ivan John Uy, DMW Sec. Toots Ople, DTI Sec. Alfredo Pascual, PMS Sec. Naida Angping, at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.
Samantala, sa labas ng New Jersey Performing Arts Center, may ilang mga Pinoy ang nagsagawa ng rally. Isinigaw ng mga ito na hindi dapat kalimutan ang nangyaring paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law . (Daris Jose)
-
Pangulong Duterte, kinilala ang tagumpay ng mga manggagawa sa kanyang huling Labor day message
KINILALA at pinapurihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng manggagawa sa kanyang huling Labor day message bago bumaba sa puwesto sa Hunyo 30. Maging ang mga hamon ng mga manggagawa ay nabanggit din ng Pangulong Duterte na patulong pa ring kinahaharap ng mga manggagawa. Ayon pa sa presidente, kahit patapos […]
-
Job 19:26
TI shall see God.
-
Sobrang down-to-earth ang Korean superstar: PARK HYUNG SIK, pinakilig nang husto ang Pinoy ‘SIKcret agents’
SULIT at super enjoy kami sa panonood for the first time ng fan meet ng isang Korean superstar na si Park Hyung Sik, ang lead actor ng K-drama na Doctor Slump na napapanood ngayon sa Netflix Philippines. Sa naturang rom-com series kasama niya ang Korean actress na si Park Shin-hye. Ang matagumpay na […]