• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Drilon, mali ang obserbasyon sa ginagawang Marawi rehab ng TFBM

PINALAGAN ni  Task Force Bangon Marawi (TFBM)  Chairman at Department of Human Settlement and Urban Development Sec. Eduardo del Rosario ang naging pahayag ni Senator Franklin Drilon na kailangan umano ng additional fund para  matiyak na matatapos sa 2021 ang Marawi Rehabilitation.

 

Sinabi  kasi  ni Senador Drilon na “grossly inefficient” at halos nakaasa lamang daw sa donasyon and foreign aid ang rehabilitation project sa lungsod.

 

Dahil dito, binigyang diin ni Del Rosario na hindi accurate ang obserbasyon ng senador  dahil ang lahat aniya ng public infrastructures na ginagawa ng tfbm sa “most affected area ” ay pinondohan ng  national government.

 

Aniya, mayroong karagdagang pondo na nakapaloob sa 2021 Proposed national budget na aabot sa P5 bilyong piso na para sa vertical and horizontal infrastructures, kung saan sapat aniya ang alokasyong ito para  matapos “by December 2021” ang Lahat ng rehabilitation Projects sa Marawi City.

 

Samantala, nilinaw naman ni Del Rosario na ang  mga Grant o donation na aabot sa P10.5-Billion, ay nakalaan o gagamitin sa labas ng “most affected area” ng Lunsod ng Marawi, gaya  aniya ng pagpapatayo ng Transcentral Road sa labas ng “most affected area” sa paligid ng Marawi.

 

Habang may inilaan din dito na para sa pagpapatayo ng libu-libong permanent shelter na para sa mga labis na naapektuhan ng naganap na 2017 Marawi siege. (Daris Jose)

 

Other News
  • Malaki ang naitulong sa kanyang showbiz career: PIOLO, nagbigay ng pasasalamat at papuri kay DEO ENDRINAL

    NAGBIGAY na rin ng kanyang pasasalamat at pamamaalam ang award-winning actor na si Piolo Pascual sa pumanaw na Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal.     Si Deo raw ang nagturo sa kanya na maging humble and patient sa kanyang trabaho.     “That is one thing sinasabi niya, you have to remain grounded, […]

  • Nakatulong ang pagpayag nina ZANJOE at JC: BELA, sinabihan na ready nang magdirek kaya in-accept ang kakaibang challenge

    HINDI naman daw conscious choice para kay Bela Padilla ang pagdidirek niya ng pelikula.     Ipalalabas via streaming sa Vivamax ang debut film niya titled 366 kung saan co-stars niya sina Zanjoe Marudo at JC Santos.     “Maraming nagsasabi na ready na raw ako to direct and one of them is Boss Vic […]

  • 7 patay sa wildfire sa West Coast sa US

    Nasa pitong katao na ang patay habang ilang libong kabahayan na ang nasira sa nagaganap na wildfire sa West Coast sa US.   Tatlo sa mga biktima ay mula sa Northern California habang ang iba naman ay sa Oregon.   Nagkukumahog ang 3,000 na bumbero para tuluyang apulahin ang 100 major wildfire sa Oregon.   […]