• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako na palalakasin ang RAIL TRANSPORT System ng Pinas

IPAGPAPATULOY ng gobyerno na gawing mas ‘seamless at modernisado’ ang transport system sa bansa.
“Our journey towards a more seamless and modernized public transportation system does not end here,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , matapos pangunahan ang inagurasyon ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) Cavite Extension Project Phase 1 sa Parañaque City.
“We are committed to building station after station, reaching as far and as fast as our people’s needs dictate,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
May ilang importanteng railway projects ang kasalukuyan ngayong ginagawa ng pamahalaan.
Kabilang na rito ang Unified Grand Central Station, Metro Manila Subway Project, MRT-7, North-South Commuter Railway, MRT-4, Philippine National Railways South Long Haul, bukod sa iba pa.
Sa kabilang dako, tanggap naman ng Pangulo na maaaring hindi makompleto sa ilalim ng kanyang liderato ang ilang nagpapatuloy na transport project, ang mga ito kasi ay mayroong long-term endeavors na-extended at lagpas sa kanyang administrasyon.
“This is the nature of railway development and of any large-scale development: this is not a short-term endeavor. It requires patience, persistence, and passion and commitment that extends beyond immediate timelines,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
Samantala, sa naturang event, pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang unveiling ng marker ng Dr. Santos station sa Parañaque. Sumakay din ang Pangulo sa tren at bumaba sa Redemptorist-ASEANA station sa Pasay City. (Daris Jose)
Other News
  • PBBM kumpiyansa ‘di magbabago relasyon ng PH at US sa Trump admin

    Kumpiyansa si Pangulong Bongbong Marcos na walang magbabago sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos kasunod ng pagkakapanalo ni US President Donald Trump.Streaming service.     Sinabi ng Pangulo na matagal nang kaalyadong bansa ng Pilipinas ang Amerika kaya sa tingin nya ay hindi basta-basta magbabago ang relasyon ng dalawang bansa.     Una nang […]

  • Sinibak na sekyu, namaril at nang hostage, 1 sugatan

    SUGATAN ang nabaril na OIC ng security guard ng Virra Mall San Juan, Greenhills Shopping Center habang nasa 30 katao naman ang hawak na hostage ng suspek na nasa loob ng Admin office.   Nakilala ang suspek na si S/G Archie Paray na armado ng pistoling baril habang sugatan naman si OIC Ronald Velita na […]

  • Wish na alagaan ang health niya: RAYVER, naging emotional sa pagbati kay JULIE ANNE

    NAGING masaya ang pag-celebrate ni Ms. Coney Reyes ng Mother’s Day dahil sinabay rito ang kanyang 50th anniversary sa showbiz.         Sa ‘All-Out Sundays’ sinorpresa si Coney ng kanyang co-stars sa upcoming Philippine adaptation ng hit Koreanovela na ‘Shining Inheritance’ na sina Paul Salas, Michael Sager, Kate Valdez, at Kyline Alcantara. Hinarana […]