• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako na poprotektahan ang kapakanan ng mga OFWs, palalakasin ang partnerships sa host countries

NANGAKO si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na palalakasin ang  partnerships sa mga bansang  nagho-host  ng overseas Filipino workers (OFWs).

 

 

Sa kanyang vlog  na ipinalabas, araw ng Sabado, sinabi ni Pangulong Marcos na titiyakin ng gobyerno ng Pilipinas ang proteksyon ng mga OFWs at ng kanilang pamilya bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa bansa.

 

 

“Ang tanging maisusukli ko sa inyong hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan ay masiguro ko ang inyong proteksyon, ang inyong kalagayan, at ang kalagayan ng mga naiwan ninyong pamilya sa ating bansa,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ang tanging maisusukli ko ay ang patuloy na pagpapatibay ng ating ugnayan sa mga kinatawan ng bawat bansang kinaroroonan ninyo ganyan ang pakay natin lagi. Gaya noong isang araw tinipon natin ang ambassador ng iba’t ibang bansa sa Palasyo,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna nang nakipagpulong si Pangulong Marcos  sa mga diplomatic corps para sa tradisyonal na  vin d’honneur na isinagawa sa Malakanyang.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na magbibigay ang  national government  ng scholarships at pabahay sa pamilya ng mga OFWs.

 

 

“Kung sila ay babalik at naghahanap ng bagong trabaho eh tutulungan natin sila training yung tinatawag na reskilling and upskilling dahil ito yung ibang trabaho na lumalabas na highly technical kaya’t itetraining natin ang ating mga OFW para kaya nila makipag kompetensya sa labor market sa buong mundo,” ang wika nito.

 

 

Aniya pa, pagsusumikapan ng pamahalaan na makapagtayo ng malakas na ekonomiya  upang sa gayon ay  maging kaakit-akit ang bansa na tirhan at magtrabaho para sa mga dayuhan at mamamayang Filipino.

 

 

“Masipag, maasahan, mahusay, magaling makasama, at mag-adjust kung nasaan man sila yan ang Pinoy tinitingala ng ibang lahi at ginagalang sa kanilang mga larangan,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Bilyong MRT7 project, inaasahang fully operational na sa 2023 – DOTr

    INAASAHANG  magiging fully operational na ang P68.2 billion Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) project sa susunod na taon.     Ayon sa Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy Batan, kasalukuyang 65% na ang natatapos sa naturang proyekto na magpapaiksi ng oras ng biyahe mula North Avenue, Quezon City patungong San Jose del Monte, Bulacan […]

  • Ebon binuyangyang ang alindog

    PINANGALANDAKAN ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Lycha Ebon ang alindog nang ipasilip ang kanyang katawan sa social media kamakalawa.   Nakabihis ng orange one-piece swimwear, binalandra ng kaliweteng opposite spiker ang hanep na kurba habang nakaupo sa tabing dagat na pinaskil sa kanyang Instagram account.   Hindi naman […]

  • 5 drug suspects tiklo sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela buy bust

    LIMANG hinihinalang drug personalities ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:21 ng hating gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buy […]