• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nilagdaan ang PPP Code, Internet Act habang naka-isolate dahil positibo sa COVID-19

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging gaap na batas ang Public-Private Partnerships (PPP) Code at  Internet Transactions Act. 
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat sana’y pangungunahan ng Pangulo ang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang subalit kailangan na lamang pirmahan ang mga nasabing batas habang naka-isolate sa Bahay Pangulo matapos mag-positibo sa COVID-19.
Aniya, ang paglagda sa mga bagong batas ay nagpapakita lamang ng commitment at kahandaan ng bansa na pabilisin ang  development at tanggapin at yakapin ang digital economy.
“Republic Act 11966 or the PPP Code will establish a stable and predictable environment for collaboration between the public and private sectors to address the gaps in the infrastructure systems and also free up much-needed resources to enable the government to pursue other equally important projects and initiatives,” ayon sa  PCO.
Tinuran pa ng PCO na sa pamamagitan ng  bagong batas, pagsasama-samahin ang “best practices” mula sa dekadang karanasan sa pagpapatupad ng Build-Operate-Transfer Law at tiyakin na ang bansa ay makapagtatayo ng  “better infrastructure projects” at pagagaanin ang  panganib sa panahon ng implementasyon.
Samantala, tinuran ng  PCO  na ang Republic Act 11967, o the Internet Transactions Act  ay magbibigay sa publiko ng mekanismo para yakapin ang digital economy.
“This “highlights the government’s efforts to not only protect consumers and merchants, but also harness e-commerce as a tool for growth and development as it upholds fair business practices, fosters innovation, and institutes effective mechanisms for dispute resolution,” ayon pa rin sa PCO.
Sa ilalim ng batas, ang  E-Commerce Bureau ay itatatag sa ilalim ng Department of Trade and Industry.
Layon ng ahensiya na pabilisin ang implementasyon ng RA 11967 at maging ng  Electronic Commerce Act of 2000 at ngPhilippine E-Commerce Roadmap. (Daris Jose)
Other News
  • Lahat ng 10 Pres’l candidates, nakaboto na; Sen. Ping Lacson, ‘early bird’

    BAGO pa man mag-tanghali kanina, nakaboto na ang lahat ng 10 kandidato sa pagka-Pangulo.     Nabatid na si Sen. “Ping” Lacson ang pinakaunang bumoto sa presidentiables kung saan alas-7:00 pa lamang kaninang umaga nang magtungo ito sa kanilang presinto sa Imus, Cavite.     Narito pa ang mga Presidential candidate na nakapagsumite na ng […]

  • Pilipinas, nanguna sa Top 10 highest disaster risk countries batay sa World Risk Report 2022

    NANGUNA ang Pilipinas sa may pinakamataas na disaster risk sa buong mundo ngayong 2022.     Batay ito sa naging assessment WorldRiskIndex 2022 hinggil sa disaster risk ng nasa 193 na mga bansa na sumasaklaw sa mga bansang kinikilala naman ng United Nations at mahigit 99 percent ng populasyon sa buong mundo.     Sa […]

  • Utos ni PBBM sa PNP, tamaan ang mga “malalaking isda” sa kampanya laban sa ilegal na droga

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine National Police (PNP) na ituon ang pansin sa sindikato at high-profile illegal drugs personalities sa pagsasagawa ng agresibong anti-illegal drugs operations.     Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ito ang gabay na isinasagawa nila ngayon at ipagpapatuloy na ipatupad sa mga araw patungo […]