PBBM nilagdaan na ang batas na magtataas sa P10-K teaching allowance ng mga guro
- Published on June 5, 2024
- by @peoplesbalita
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, naglalayong suportahan ang mga public school teachers sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng allowances.
Layon ng nasabing allowance na pagaanin ang ‘financial burdens’ o pasanin sa pananalapi na nauugnay sa pagbili ng teaching supplies at materials, upang sa gayon ay magawa ng mga guro na mag-pokus sa kanilang mahalagang papel sa edukasyon at mas maliit na out-of-pocket expenses.
Itinakda ng bagong batas ang initial teaching allowance na P5,000 kada guro para sa School Year (SY) 2024-2025, sinundan ng P10,000 para sa SY 2025-2026 at bawat taon pagkatapos.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati na ang pagsasabatas ng
Kabalikat sa Pagtuturo Act ay “significant milestone” para sa sektor ng edukasyon dahil nagbibigay ito ng malaking suporta para sa mga guro “so they can concentrate on teaching.”
“I think we’re all familiar with the situation when a teacher finds themselves in financial straits. then sometimes, they’re distracted and spend their time trying to increase the support that they can provide their families and to the detriment of the actual teaching,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“But teachers teach because it is a vocation. It is not a job; it is a vocation. Teachers teach because they feel they have to teach and they want to teach and that’s why we must give them the support so that they are allowed to do precisely that,” aniya pa rin.
Winika pa ng Pangulo na tungkulin ng gobyerno na tiyakin ang kapakanan ng mga guro, Inilarawan niya ang mga ito bilang “unsung heroes” ng lipunan.
“They toil and burn the midnight oil. They teach our children not for money nor for prestige. They serve our country each day by teaching our children the basic foundations to make them responsible and productive citizens,” ayon kay Pangulong Marcos.
“It is our responsibility as the government and as a society to take care of them,” lahad ng Pangulo.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa pagsusulong ng “long-overdue increase” sa teaching allowance.
“We have listened, we have persevered, and now we have taken action,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Samantala, ang initial funding na kakailanganin para sa implementasyon ng bagong batas ay huhugutin mula sa pondo ng Department of Education.
Pagkatapos nito, ang halaga na kakailanganin para sa pagsasabatas ay isasama sa annual General Appropriations Act.
Ang bagong batas ay magiging epektibo, matapos ang 15 araw na paglalahtala rito sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)
-
Final na at walang balikan na naganap sa kanila ni Rabiya: JERIC, binura na ang lahat ng photos o post sa Instagram account
MUKHANG final na kaya at wala ng balikan na magaganap sa pagitan nina Jeric Gonzales at girlfriend niya na si Rabiya Mateo? Sa totoo lang, naghihintay kami na ang ibabalita sa amin, “sila na ulit!” Kasi nga, gano’n na talaga ang pattern, magbi-break, then, magbabalikan. Pero this time, mukhang totohanan na ha. Kaya […]
-
Mga kabataan, puwede na sa malls-Sec. Año
PAPAYAGAN nang makalabas at makapunta sa malls ang mga kabataan basta kasama ang kanilang mga magulang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine. Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na “Para na rin po sa Kapaskuhan ay dun […]
-
Eala may parangal sa PSA
KABILANG sa talaan ng mga young at promising athlete ng SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ang rising tennis star na si Alexandra Eala. Pasok ang 14-anyos sa 10 atleta na kikilalanin bilang 2019 Tony Siddayao awardees sa nasabing pagtitipon sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Ipinagkakaloob ang parangal […]