• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, patuloy na ihihirit sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng pardon si Mary Jane Veloso

PATULOY na ihihirit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng commutation o pardon  ang pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row ng nasabing bansa  dahil sa kasong droga.

 

 

“We haven’t really stopped. The impasse is we continue to ask for a commutation or even a pardon or extradition back to the Philippines. That is constantly there,” ayon sa PAngulo.

 

 

“But the Indonesians answer us that this is the law,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Setyembre ng nakaraang taon nang hilingin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Foreign Minister to Indonesia Retno Marsudi ang paggawad ng executive clemency para sa OFW sa Indonesia na si  Veloso na nasa death row dahil sa kasong drug trafficking.

 

 

Sa katunayan, nakipagpulong pa si Manalo kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa Jakarta upang pormal na humingi ng clemency.

 

 

Nangyari ang pagpupulong sa sideline ng state visit sa naturang bansa ni Pangulong Marcos.

 

 

Ayon sa DFA, sinabi ni Marsudi na sasangguni siya sa kanilang Ministry of Justice kaugnay sa naturang usapin.

 

 

Matatandaan na si Veloso ay naaresto noong 2010 dahil sa umano’y pagpuslit ng 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia. Itinanggi niya ang mga akusasyon at sinabing niloko siya ng kanyang mga recruiter na nagdala ng mga droga na ipinuslit umano sa kaniyang maleta.

 

 

Hindi natuloy ang pagbitay sa kaniya ng firing squad noong Abril 2015 matapos na mailigas dahil sa pagkaaresto sa kaniyang mga recruiter sa Pilipinas.

 

 

“They’ve already given us postponement… but that doesn’t mean it’s done. I will always, I’ll always at least bring it up. Baka sakali… baka sakali magbago,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Transport Secretary Arthur Tugade nanawagan sa mga tsuper na lumahok sa ‘Service Contracting Program’ ng pamahalaan

    Muling nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan (PUVs) na magpa-rehistro at lumahok sa “Service Contracting Program” na isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).   Nagkaron ng general registration program para sa Service Contracting na ginaganap ang general registration at orientation ng LTFRB […]

  • Pinoy boxer Jerwin Ancajas, bigong mabawi ang IBF crown matapos muling natalo kay Argentinan undefeated boxer

    NAPANATILI ng undefeated boxer Fernando Martinez ang kanyang International Boxing Federation junior bantamweight title matapos muling payukuin ang dating champion na si Jerwin Ancajas.   Naidepensa ni Martinez ang koronang kanyang naagawa kay Ancajas noong Pebrero sa pamamagitan ng scores na 119-109, 118-110 at 118-110 sa championship rematch sa Carson, California.   Dahil dito, napaganda […]

  • Sa makasaysayang 2024 Paris Olympics… Carlos Yulo nasungkit ang gintong medalya sa floor exercise

    NASUNGKIT ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa floor exercise gymnastics ng 2024 Paris Olympics.           Nakapagtala nang nakamamanghang 15.00 iskor si Yulo na may 6.600 difficulty at 8.400 sa execution upang maiuwi ang gintong medalya sa Pilipinas.       Inangkin ng 24-anyos na tubong Leveriza, Manila ang ginto mula […]