PBBM, PATULOY na pinag- aaralan ang BARMM Poll suspension
- Published on November 25, 2024
- by @peoplesbalita
PATULOY na pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes, ang panawagan na suspendihin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections sa susunod na taon.
“We are still studying it,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang ambush interview.
Nauna rito, hiniling ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na gawin na bago matapos ang Disyembre ang pasya kung nais ng mga mambabatas na ipagpaliban na naman ang dapat sanang kauna-unahang BARMM na nakatakdang idaos sa Mayo 2025.
Ginawa ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang apela sa pagdinig ng Senate local government committee hearing nitong Huwebes, tungkol sa panukalang batas na iurong ang BARMM elections sa sa May 11, 2026 sa halip na sa May 12, 2025.
Isa lang po ang pakiusap ng Comelec, hindi po ito pressure sa ating Kongreso, pero ang katotohanan lang po, sana po ay may development kung matutuloy o hindi ang ating halalan sapagkat mag-i-imprenta ang Comelec ng balota sa huling linggo ng Disyembre,” paliwanag ni Garcia.
“Ibig sabihin po, ipa-finalize namin ang list of candidates, hopefully, before December 13 of this year,” dagdag niya.
Kasalukuyang isinasagawa ang paghahain ng certificates of candidacy ng mga sasabak sa 2025 BARMM polls ngayong linggo na magtatapos sa November 9.
Habang walang batas na nagagawa ang Kongreso para iurong ang naturang halalan, sinabi ni Garcia na tuloy-tuloy ang gagawing paghahanda ng Comelec.
“Yun po ang timeline po talaga namin dito sa ganitong klase ng development more or less hanggang second week ng December, and this is not to put pressure with due respect to our Congress,” ayon kay Garcia.
“Hindi naman po namin pupuwedeng i-presume na maaring ito ay maaprubahan at maging batas, ang panukalang ito, kaya kailangan ituloy po namin, paliwanag niya.
Sa ambush interview, sinabi ni Senador JV Ejercito, chairman ng Senate local government committee, na target nilang maipasa ang batas bago matapos ang Nobyembre.
“Hopefully by end of November maipasa natin in line with Comelec deadline on the second [week] of December,” ani Ejercito.
Sa naturang pagdinig, sinuportahan ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez ang pagpapaliban ng halalan bunga na rin ng desisyon ng Korte Suprema na hindi dapat isama sa autonomous region ang Sulu na tumutol batay sa resulta ng referendum.
Dahil sa posibleng “ramifications” mula sa peace agreements bunga ng SC decision sa Sulu, sinabi ni Galvez na nais ng OPAPRU na magkaroon ng proper transition plan para sa lalawigan.
“The one year election reset is also the perfect time for the Bangsamoro Transition Authority (BTA) to refine existing Bangsamoro policies and codes in preparation for the election. Given that several Bangsamoro policies apply to the provinces of Sulu, the BTA must be accorded ample time to review and amend these as needed so that it will not be vulnerable again for challenge for its constitutionality before the Supreme Court,” paliwanag ni Galvez.
Binanggit na dahilan ni Galvez sa pagpapaliban ng halalan ng BARMM ang umano’y security threats dahil nasa proseso pa ng decommissioning ang mga dating kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at transformation ng Moro National Liberation Front (MNLF).
“By covering sizable amounts of small arms and light weapons during this process, we can decrease the threats from the use of loose firearms during the election period and guarantee that election-related violence is within reasonable control of the government,” paliwanag niya. (Daris Jose)
-
Happy na may magandang movie bago matapos ang 2024: RURU, first time mag-MMFF at kasama pa si DENNIS sa ‘Green Bones’
HAPPY si Ruru Madrid dahil bago matapos ang 2024, may nagawa pa siyang magandang pelikula na official entry pa sa 2024 Metro Manila Film Festival na ‘Green Bones.’ First time na magkaroon ng MMFF movie si Ruru at kasama pa niya ang iniidolo niyang si Dennis Trillo. Lalo pa raw nai-inspire ang Sparkle actor […]
-
Tropang Giga hinugot si Khobuntin
Kaliwa’t kanan ang galawan sa PBA kaya’t asahan ang mas matinding bakbakan sa pagbubukas ng Season 46 sa Abril sa isang bubble setup. Hinugot ng Talk ’N Text si Glenn Khobuntin mula sa free agency para makatulong sa frontline ng Tropang Giga. Nakapagtala si Khobuntin ng averages na 7.8 points at […]
-
Kobe Bryant Jersey posibleng maibenta ng P385-M
Posibleng maibenta sa auction ng hanggang $7 millyon ang basketball jersey ng NBA star na si Kobe Bryant. Ang jersey ay isinuot ni Bryant sa unang round ng 2008 Western Conference finals laban sa Denver Nuggets. Ayon sa Sothebys auction na hindi pa rin nito mahihigitan ang jersey na isinuot ni Michael Jordan […]