• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinag-aaralan ang paglikha ng internal PNP legal office

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal department sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng kahit na anumang at sinumang police officer.

 

 

Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis laban sa harassment at “flimsy accusations.”

 

 

“We’ll create an office, the legal office within the PNP who will be the defense council of any policeman who is charged with whatever complaint, crime. Mayroon at mayroon silang tatakbuhan kaagad na abogado just to give them advice and it will be internal,” ayon kay Marcos sa isinagawang second command conference ng PNP sa Camp Crame.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang mga pulis ay hindi na hihingan pa ng bayad para sa serbisyo ng nasabing legal office.

 

 

“Pag-aralan natin nang mabuti because ginagawang weapon, wine-weaponize ‘yung kaso. So, kapag nahuli ‘yung kriminal, huling-huli na, pero magaling abogado tapos walang kalaban-laban naman ‘yung ating pulis,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na ang paglikha sa legal department ay magbibigay proteksyon sa PNP mula sa impluwensiya ng grupo na nang ha-harass sa police force.

 

 

“They can afford a lawyer so for one week tapos, tapos na. So we have to provide that kind of protection para naman ‘yung mga pulis natin, malakas ang loob na gawin ‘yung trabaho nila. Kahit tama ‘yung ginagawa nila, hinaharass sila,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

“Kakasuhan sila ng kung ano-ano, some of them are powerful figures. So, siyempre, marami silang capability, maraming resources, maraming pera. Marami silang access sa mga sikat na abogado, kailangan mayroon din tayong pang depensa. Yes, we have to protect our people,” ayon sa Chief Executive. (Daris Jose)

Other News
  • Pagbili ng submarine, nananatili pa ring bahagi ng plano ng Pinas- PBBM

    NANANATILI pa ring bahagi ng plano ng Pilipinas ang pagbili ng submarine matapos ang  development  ng  anti-submarine capabilitie nito.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbili ng submarine ay ” still part of our plan,” sa isang ambush interview sa isinagawang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Philippine Navy (PN).   […]

  • Abalos, umapela sa publiko na huwag magpa-third dose ng bakuna laban sa Covid-19

    UMAPELA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mga mamamayang Filipino na huwag tangkaing magpaturok ng third dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine.   Giit ni Abalos, illegal ang magpaturok ng third dose ng covid 19 vaccine na tinatawag na “booster”.   Aniya, ang pagpapaturok ng third dose ay pag-alis sa oportunidad […]

  • Ads August 2, 2023