• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinag-aaralan na bigyan ng rice allowance ang mga empleyado ng gobyerno

PINAG-AARALAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno para matulungan na mapagaan ang paghihirap ng mga consumers.

 

 

“I’m going to initiate, at least for the government workers, the rice allowance… part of the sweldo, ang pagbayad is in rice,” ayon kay Pangulong  Marcos, pinuno ng Department of Agriculture, kay  Toni Gonzaga sa isang sit-down interview.

 

 

“Marami naman doon sa malakaking korporsayon, meron na silang rice allowance. So we’ll institutionalize it,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang paliwanag pa ng Pangulo, ang bigas ay  “bought by and from the government” upang matiyak ang murang halaga ng  kalakal.

 

 

Samantala, nang tanungin naman ukol sa kanyang campaign promise  na  gagawing ₱20 kada kilo ng bigas,

 

 

“Everything’s possible. You just have to work very hard at it and be clever about it and come up with new ideas,” ayon sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

Other News
  • Pagsibak sa 18 PNP officials, ipatutupad na

    TULUYAN  nang sisibakin sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang 18 opisyal na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang courtesy resignation matapos na masangkot sa P6.7 bilyong illegal drug trade noong nakaraang taon.     Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda, ang pagsibak sa mga ito ay alinsunod sa kanyang pakiki­pagpulong […]

  • 50K tauhan ng PNP, BFP idineploy

    Mahigit sa 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang idineploy ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national COVID-19 vaccine rollout sa bansa.     Kasunod na rin ito nang inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo ng may 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 […]

  • MASS VACCINATION PARA SA MGA KABATAAN, UMARANGKADA NA SA MAYNILA

    UMARANGKADA na sa Lungsod ng Maynila ang “mass vaccination” para sa general population ng edad 12 hanggang 17 anyos sa anim na district hospital ng nasabing lungsod ngayong araw.       Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pag-iinspeksyon sa nasabing bakunahan sa Sta. Ana Hospital […]