• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinagpapaliwanag DOLE, DSWD sa underspending

PINATAWAG  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina Department of Labor (DOLE) Secretary Benny Laguesma at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian para pagpaliwanagin tungkol sa underspending ng kanilang mga ahensiya.

 

 

Sinabi ni Laguesma na, pinabibilisan ng Pangulo ang paggastos sa pondo para sa mga programang may kinalaman sa social protection.

 

 

Nauna nang sinabi ng Department of Budget and Management na ang DSWD at DOLE ang may mababang disbursement sa pondo.

 

 

“Mayroon na pong tagubilin sa amin na mahigpit ang Pangulo na naririyan ang pondo, lalo na ang may kinalaman sa social protection programs ng pamahalaan, dapat maipagkaloob natin iyan sa mga intended beneficiaries,” sinabi pa ni Laguesma.

 

 

Partikular umanong pinatututukan ni Marcos kay Laguesma ang employability ng mga Filipino youth para maging handa ito sa pagharap sa mundo.

 

 

Sinabi naman ni Gatchalian na bibilisan na ngayon ng DSWD ang disbursement sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ngayon ay nasa P9 bilyon na ang pondo. (Daris Jose)

Other News
  • PH Cup kaya ng 60 araw – Marcial

    DADAMIHAN ng mga laro kada linggo para mas mabilis matapos ang ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup.   Isang opsiyon pa ng unang Asia’s pay-for-pay hoop ang magkaroon ng apat hanggang limang araw na laro bawat linggo, isa’y may triple-header pa. Kaya maski masagad ang playoffs, hindi abot ng Enero 2021 ang all-Pilipino […]

  • NTC sa telcos: Tiyakin na agad na makukumpuni ang serbisyo matapos ang Carina, Habagat

    INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang telecommunication companies na tiyakin na agad na makukumpuni at maibabalik ang telecommunications services kasunod ng matinding pagkasira bunsod ng matinding hagupit ng bagyong Carina at Southwest Monsoon o Habagat. Tinukoy ng NTC ang isang memorandum na ipinalabas noong Hulyo 22, inatasan ang lahat public telecommunications entities (PTEs) na […]

  • Ads March 9, 2023