PBBM, pinagtibay ang ugnayan sa Estados Unidos, itinaon sa pagdiriwang ng Philippine-American friendship day
- Published on July 7, 2023
- by @peoplesbalita
PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos kasabay ng pagdiriwang Amerika ng kanilang Independence Day.
Nagkataon naman ito sa Philippine-American Friendship Day.
Sa isang tweet, inilarawan ng Pangulo ang Philippines-US relations bilang “deep connection… built on the foundation of trust and collaboration.”
“As allies, let us continue to stand together, embracing the values of democracy, freedom, and equality, forging a path towards a more prosperous and inclusive future for all,” anito.
Ang pagbati ng Pangulo ay sa gitna na rin ng patuloy na pagbalanse sa “friendly relations” sa Estados Unidos at China sa gitna ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. (Daris Jose)
-
ANTI-RED TAPE AUTHORITY (ARTA) PINARANGALAN ANG QC
PINARANGALAN ng Anti Red Tape Authority o ARTA ang pamahalaang lokal ng Quezon City sabay sa ika-limang anibersaryo ng ahensya. Layon ng Accelerating Reforms for Improved Service and Efficiency Awards (ARISE) na kilalanin ang mga natatanging local government units sa kanilang pagpapatupad ng Ease of Doing Business Law. Isa ang Quezon City […]
-
300MT bigas para sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’ dumating na mula Japan
MAGKASAMANG sinalubong nina Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at National Food Authority (NFA) Administrator Judy Carol Dansal ang pagdating ng 300 metriko toneladang Japanese rice sa ilalim ng inisyatiba ng Asean Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) initiative sa NFA warehouse sa Valenzuela City. Ang bigas na ito ay dadalhin at […]
-
Mag-ina, nalunod, natagpuang patay
PATAY na nang natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mag-ina matapos malunod sa Larbeco River, Barangay Limo-ok, Lamitan, Basilan kamakalawa ng kagabi. Ayon sa PCG, nagpunta ang mag-ina na si Lyn Mallari at isang taong gulang niyang anak sa ilog nang hindi inaasahang lumakas ang alon na nagresulta ng kanilang […]