Mag-ina, nalunod, natagpuang patay
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY na nang natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mag-ina matapos malunod sa Larbeco River, Barangay Limo-ok, Lamitan, Basilan kamakalawa ng kagabi.
Ayon sa PCG, nagpunta ang mag-ina na si Lyn Mallari at isang taong gulang niyang anak sa ilog nang hindi inaasahang lumakas ang alon na nagresulta ng kanilang pagkalunod.
Agad na narekober ang katawan ng ginang makalipas ang ilang sandali matapos ang insidente habang kaninang umaga lamang natagpuan ang katawan ng kanyang anak.
Pinangalagaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Lamitan City ang mga katawan ng mag-ina, habang patuloy ang koordinasyon sa kanilang pamilya. (Gene Adsuara)
-
CINDY, kinikilig nang sobra na masabihang ‘prime actress’ na ng Viva at makasama ang magagaling na artista
FASTEN your seat belt at I-ready na ang GPS dahil parating na ang Reroute sa Vivamax ngayong January 21, 2022. Isa na namang sexy-suspense thriller ang masasaksihan sa iba’t-ibang panig ng mundo na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na […]
-
Repasuhin ang Philippines-Japan Economic Agreement (PJEPA), apela ni Speaker Romualdez
UMAPELA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na repasuhin ang Philippines-Japan Economic Agreement (PJEPA) upang mabawasan, kung hindi man tuluyang maaalis, ang taripa na ipinapataw sa produktong agrikultural ng Pilipinas na ibinebenta sa Japan. Ginawa ng lider ng Kamara ang apela sa kanyang pakikipagpulong sa mga mambabatas ng Japan na bahagi ng Philippines-Japan Parliamentarians’ […]
-
Nasita sa face mask, babae kulong sa shabu sa Valenzuela
BALIK-SELDA ang isang 47-anyos na babae matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Sub-Station 6 commander P/Lt. Armando Delima ang naarestong suspek na si Rowena Bularon, 47 ng Urrutia St., Brgy., Malanday. Sa report ni […]