PBBM pinahinto ang pagbabayad ng amortization ng mga benepisaryo ng Agrarian Reform
- Published on September 14, 2022
- by @peoplesbalita
NILAGDAAN ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order na nagpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad sa taunang amortization at ng interes ng agrarian reform beneficiaries.
Para ito sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ayon sa Pangulo, ang isang taong moratorium sa land amortization at interest payment ay makababawas sa pasanin ng mga benepisaryo mula sa kanilang mga utang.
Sa halip, sinabi ng presidente na magagamit ng mga ito ang pera sa pagpapaunlad ng kanilang mga sakahan.
Matatandaang sa kanyang unang SONA ay binanggit ni PBBM ang pagpapalaya sa agrarian reform beneficiaries mula sa kanilang mga utang.
Itinaon ng pangulo ang pagtupad sa pangakong ito sa kanyang ika-65 na kaarawan ngayong araw. (Daris Jose)
-
Kaya sinabihan na hilaw ang pagiging Kakampinks… VICE GANDA, kapansin-pansin ang ‘di pag-i-endorse kay Sen. KIKO
ISA si Vice Ganda na surprise guest sa NCR grand rally ni Vice President Leni Robredo na ginawa sa Pasay City noong Sabado. Birthday ni VP Leni that day kaya mas special ang pagtitipon ng mga Kakampinks para sa presidential aspirant. Pero ang napansin ng ibang dumalo sa rally ay ‘yung […]
-
Bigayan ng ayuda, vaccination sites posibleng ‘super spreader’ ng virus
Posibleng maging “super spreader” ng virus ang mga kasalukuyang ginaganap na bigayan ng ayuda at maging ang “vaccination” ng mga lokal na pamahalaan dahil sa pagkukumpulan ng mga tao sa mga venue. “This is a possible super spreader event lalong lalo na kung kumpulan yung tao at enclosed yung space,” ayon kay Health […]
-
SUE at MARIS, sumabog ang galit sa ginawang pambababoy sa kanila; ABS-CBN, kinondena ang pagpapakalat ng fake nude photo
NAGLABAS na ang ABS-CBN at Star Magic ng official statement regarding sa fake nude photo nina Sue Ramirez at Maris Racal na patuloy na nagsi-circulate online. Narito ang full statement ng Kapamilya Network: “It has come to our attention that maliciously edited images of our talents, Sue Ramirez and Maris Racal, have been circulating online. […]