PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas
- Published on April 12, 2024
- by @peoplesbalita
MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas.
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong na pagaanin ang pagkagutom at malnutrisyon sa bansa.
“The strategies that you’ve brought to us are really quite – they’re very insightful,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay WFP Executive Director Cindy McCain sa courtesy visit ng huli sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes.
Ayon sa Chief Executive, ang mga insidente ng pagkagutom at malnutrisyon sa Pilipinas ay bumuti na sa mga nakalipas taon at masasabing ang bansa ay mas mabuti na ngayon.
Winika pa ng Pangulo na lumipat na ang gobyerno ng Pilipinas mula sa pagbibigay ng food supply sa aktuwal na nutrisyon sa pamamagitan ng “Walang Gutom 2027: FoodStamp Program,” isang flagship program para tugunan ang malnutrisyon at pagkagutom.
“Food supply is for the most part, I would say sufficient. But what we’ve learned over the years is how to take care of ourselves. And again, especially for the kids,” ayon sa Pangulo.
Pinuri naman ni McCain si Pangulong Marcos at ang administrasyon nito sa pagbibigay importansiya at iprayoridad ang nutrisyon at kapakanan ng mga kabataang Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatiba, kabilang na ang feeding programs.
“I think it’s very important that your foresight in implementing our school, feeding programs and become self-sufficient in the long run,” ang sinabi ni McCain kay Pangulong Marcos, sabay sabing “So we love that program.”
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si McCain para sa naging pagbisita nito at concern o mga alalahanin sa food program ng bansa, at ang pagtiyak ng Pangulo na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas na isulong ang nutrisyon ng mga kabataan. (Daris Jose)
-
Ads February 11, 2020
-
Tiangco; pagsisikap ng gobyerno kontra online child abuse, higitan
NANAWAGAN si Navotas Congressman Toby Tiangco sa mga kinauukulang pambansang ahensiya na iayon ang buong diskarte ng gobyerno ni Pangulong Bongbong Marcos sa paglaban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC). “President Bongbong Marcos’ directive is clear: the government must ramp up efforts to combat child abuse in digital spaces. The […]
-
Daan-libong Pinoy mawawalan ng trabaho sa fake, substandard products mula China
IBINUNYAG ni House Deputy Majority leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na daan-daang libong manggagawa sa bansa ang maaapektuhan at mawawalan ng hanapbuhay kung hindi marerendahan ang talamak na bentahan ng mga sub-standard at pekeng produkto na karamihan ay galing China gamit ang mga online deliveries. Dahil dito, maghahain si […]