PBBM, pinalawak ang West Cebu ecozone; lumikha ng mas maraming RTC branch sa iba’t ibang panig ng Pinas
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak sa West Cebu Industrial Park, Philippine Economic Zone Authority (PEZA)-registered special economic zone sa bayan ng Balamban sa lalawigan ng Cebu.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 710 noong Oct. 16, isang kopya kung saan isinapubliko araw ng Linggo, pinili ang ilang sukat ng lupain na matatagpuan sa Barangay Arpili at Buanoy para sa inklusyon ng umiiral na West Cebu ecozone.
Ayon sa proklamasyon, ang karagdagang lupain ay may kabuuang land area na 176,783 square meters o 17.6 ektarya.
Ang West Cebu Industrial Park ay mayroong mahalagang papel bilang napaka-importanteng hub ng shipbuilding industry ng Pilipinas para sa mahigit na 30 taon.
Pinatatakbo ito ng Cebu Industrial Park Developers, Inc. (CIPDI) — isang joint venture sa pagitan ng Aboitiz Group at Tsuneishi Group of Japan.
Sa kasalukuyan, isang 540-hectare mixed-use development, ang ecozone ay nagho-host sa 11 locators mula ‘medium to heavy industries’ may Ilan ay biggest shipbuilding firms in the world, dahilan para ang Balamban ay tawaging shipbuilding capital ng Pilipinas.
Samantala, tinintahan naman ng Pangulo ang mga bagong batas na lilikha sa mga karagdagang sangay ng Regional Trial Courts (RTC) sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Pinirmahan ng Pangulo ang mga sumusunod na batas noong Oct. 17:
Republic Act No. 12029, paglikha sa dalawang karagdagang RTC branch sa Fourth Judicial Region na ilalagay sa Silang Cavite;
Republic Act No. 12030, paglikha sa tatlong karagdagang sa ngayon ng Metropolitan Trial Court (MeTC) sa National Capital Region Judicial Region na ilalagay sa Parañaque City;
Republic Act No. 12031, paglikha ng dalawang karagdagang RTC branch sa Second Judicial Region na ilalagay sa Cabagan, Isabela;
Republic Act No. 12032, paglikha sa tatlong karagdagang RTC branch sa Tenth Judicial Region na ilalagay sa San Jose, Dinagat Islands, at dalawang karagdagang MeTC branch sa munisipalidad ng San Jose at Basilisa;
Republic Act No. 12033, paglikha sa karagdagang RTC branch sa Eighth Judicial Region na ilalagay sa City of Baybay, Leyte;
Republic Act No. 12034, paglikha ng anim na karagdagang RTC branch sa Ninth Judicial Region na ilalagay sa Diplahan, Zamboanga Sibugay;
Republic Act No. 12035, paglikha ng tatlong karagdagang RTC branch sa Tenth Judicial Region na ilalagay sa City of Valencia, Bukidnon; at
Republic Act No. 12036, paglikha ng apat na karagdagang RTC branch sa Eighth Judicial Region na ilalagay sa Tacloban City, Leyte
Samantala, ang Korte Suprema ay may mandato na i-assign ang kani-kanilang branch numbers para sa mga bagong lilikhain na mga sangay ng RTC.
Ang kakailanganing pondo para sa implementasyon ng bagong batas kabilang na ang paglalaan para sa personnel services gaya ng sahod, benepisyo at emoluments o suweldo ng mga hukom at court personnel, court operations na nasa ilalim ng maintenance and other operating expenses (MOOE) ay isasama sa taunang General Appropriations Act.
( Daris Jose)
-
Roy Jones Jr. nagbanta na aatras sa laban nila ni Tyson
Nagbanta si dating four-division world champion Roy Jones Jr na umatras sa laban niya kay Mike Tyson. Ayon sa 51-anyos na boxer, nakakadismaya ang nasabing paglipat ng petsa sa nasabing laban. Mula kasi sa dating Setyembre ay inilipat ang laban sa Nobyembre. Ang nasabing paglipat ng petsa ay para makalikom pa ng […]
-
Ex-Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso
NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election. Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880 ang isinampa […]
-
Pacquiao bumubuo na ng game plan kontra Ugas
Bumubuo na ng bagong game plan ang kampo ni People’s Champion Manny Pacquiao para sa laban nito kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas. Nabago ang kalaban ni Pacquiao matapos matuklasang may eye injury si World Boxing Council at International Boxing Federation titlist Errol Spence Jr. sa prefight medical examination. Sumailalim agad […]