• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 1 most wanted ng NCRPO timbog ng NPD

Arestado ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang Oplan Pagtugis at Saliksik ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city.

 

Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza 1, Navotas City.

 

Sa report ni BGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Danao Jr., dakong 5:20 ng hapon nang matimbog ng pinalakas na Intelligence Driven manhunt Operation ng NPD DID sa pangunguna PLTCOL Allan Umipig at P/Maj. Herman Panabang ang suspek sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Judge Pedro T Dabu ng Malabon RTC Branch 170 para sa kasong Double Murder at Frustrated Murder (No Bail).

 

Katuwang ng mga tauhan ng NPD DID-Tracker Team ang NCRPO Intelligence unit RID at RIU sa pinalakas na Oplan Pagtugis laban sa mga Most Wanted Person base sa direktiba ni NCRPO Chief.

 

Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO chief Danao ang mga myembro ng operating team na masigasig na nagsagawa ng Oplan Saliksik na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.

 

Dinala ang suspek sa NPD-DID para sa proper documentation at disposition.

 

Nabatid na ang insidente ng pagpatay ay naganap sa Lungsod ng Navotas, limang taon na ang nakalipas. (Richard Mesa)

Other News
  • LENTE at COMELEC, lumagda sa kasunduan

    OPISYAL  na lumagda ng kasunduan ang Legal Network for Truthful Election (LENTE) at Commission on Elections (COMELEC) bilang bahagi ng patuloy na paghahanda para sa nalalapit na Midterm Elections sa Mayo.   Ang paglalagda sa Memorandum of Agreement ay pinangunahan ni LENTE Senior Program Director for the Abuse of State Resources Project Atty. Ryan Jay Roset  […]

  • BEA, super excited sa pagkakasama sa annual Christmas Station ID ng GMA-7; netizens iba-iba ang naging reaksyon

    SUPER excited nga si Bea Alonzo sa pagkakasama niya sa taunang Christmas Station ID ng GMA-7.     Nag-post si Bea ng photos sa kanyang IG account kasama ang caption na, “First time to be a part of the GMA station ID, and I had a blast shooting with the team! Watch out for the […]

  • Pangulong Duterte, hinikayat ang simbahan na suspendihin ang Traslacion 2022, misa

    HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suspensyon ng mass gatherings, kabilang na ang tradisyonal na Traslacion at misa para sa Itim na Nazareno, dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 infections sa bansa.     “Itong procession na ito, it’s a very important event for the Roman Catholic Church. Now, I have […]