PBBM, pinangalanan sina Vergeire at Robles bilang DOH OIC at PCSO GM
- Published on July 15, 2022
- by @peoplesbalita
PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge (OIC) ng Department of Health (DOH) at hinirang naman si dating Light Rail Transit Authority administrator Mel Robles bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Inanunsyo ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing, kahapon Huwebes.
“Ngayong araw po ay itinilaga po si Dr. Rosario Vergeire bilang OIC ng Department of Health,” ayon kay Cruz-Angeles.
Bago pa ang kanyang bagong appointment, nagsilbi si Vergeire bilang DOH Undersecretary for Public Health Services Team.
Buwan ng Hunyo nang ipagkatiwala kay Vergeire na pamunuan ang National Vaccination Operations Center (NVOC), ang “body” na inatasan na tiyakin ang tamang “storage, inventory and delivery of coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines” at i-develop tamang guidelines para sa national vaccination program against the coronavirus.
Samantala, sinabi pa ni Cruz-Angeles na “Sa Philippine Charity Sweepstakes Office naman, nominado si Mr. Mel Robles, dating Light Rail Transit Authority administrator, bilang general manager.”
Si Robles, ani Cruz-Angeles ay kinilala sa kanyang naging mahalagang gampanin na gawin ang LRTA na “profitable” sa ilalim ng kanyang liderato.
Si Robles ay dating board member ng Intercontinental Broadcasting Corporation.
Sa kabilang dako, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakapagpapalabas ang Malakanyang ng appointment papers nina Vergeire at Robles.
Welcome naman sa DOH ang pagtatalaga kay Vergeire bilang DoH OIC. Looking forward ang departamento sa pagpapatuloy ng pagbangon at pagbawi ng bansa mula sa pandemya.
“[The] DOH appreciates the President’s confidence in one of its career executives, including the immense responsibility such trust brings,” ayon sa DoH sabay sabing “Each and every member of the DOH family shall work together to continue the gains instituted by previous administrations.”
Tiniyak din ng departamento sa publiko na ginagawa na nito ang lahat ng kanilang makakaya tungo sa universal health care para sa mga Filipino. (Daris Jose)
-
Habang umiiwas na siya na pag-usapan: KIM, naiinis na sa patuloy na pagsasalita ni XIAN
TATLONG nominasyon ang nakuha ng premyadong aktres Gladys Reyes sa PMPC 40th Star Awards for Movies. Nominado si Gladys bilang best aktres, best supporting actress at PMPC Darling of the press. Matandaang tinanghal na Best Actress si Gladys sa nakaraaang Metro Manila Summer Film Festival mula sa pelikulang “Apag” na kung saan sa naturang pelikula […]
-
Ginastusan para mabuo ang 50th MMFF entry… ‘Uninvited’ nina VILMA, never naisip ni BRYAN na magkakatotoo
KALAT na ang tsikang nakatakdang mamaalam sa GMA station ang ABS CBN produced noontime show na “It’s Showtime.“ Pero from a source ay walang katotohanan daw na ang TAPE Inc. na dating producer ng “Eat Bulaga” ang gagawa ng isang noontime show kapalit ng “Its Showtime “ at makakatapat ng “EB”. But may […]
-
August 30 idineklara ni Duterte bilang ‘National Press Freedom Day’
NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang ilang batas na nagdedeklara sa petsang August 30 bilang “National Press Freedom Day”. Ito ay bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar, ang ama ng Philippine Journalism, na kilala rin sa kanyang pen name na “Plaridel” na isinilang noong August 30, 1890. Sa […]