• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangunahan ang “mega groundbreaking” ng 6 na housing projects sa Bulacan

PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang  “mega groundbreaking” ng anim na  housing projects sa anim na lungsod at munisipalidad ng lalawigan ng Bulacan, maaaring makapagtayo ng 30,000 shelter units.

 

 

“Sa pamamagitan po ng proyektong ito, maisasakatuparan [ng] libolibong Bulakenyo ang pangarap nila na magkaroon ng maayos at abot-kayang bahay namatatawag nilang sariling tahanan,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na  groundbreaking ng  Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program.

 

 

“Ito ay bahagi ng programa ng inyong pamahalaan na 1 milyong bahay sa iba’t ibang dako ng bansa sa bawat taon sa administrasyong Marcos,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Ang makasaysayang sabay-sabay na paglulunsad ay panibagong testamento ng nagpapatuloy na  rollout ng  flagship 4PH program ng administrasyon na naglalayong magtayo ng 1 milyong housing units kada taon hanggang  2028 para tugunan ang  housing backlog ng bansa na umabot na sa mahigit sa  6.5 milyong units.

 

 

Ang groundbreaking ceremonies ay isinagawa sa  San Jose Del Monte City, Pulilan at San Rafael, kung saan sina Pangulong Marcos at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang nanguna sa events habang ang mga opisyal naman ng DHSUD kasama ang mga local government units (LGUs) executives ang  nanguna naman sa mga aktibidad sa Pandi, Guiguinto at Malolos City

 

 

May kabuuang  12, 563 housing units ang itatayo sa panahon ng “initial phase” ng anim na proyekto sa San Jose Del Monte City.

 

 

Base sa isinumiteng master development plans, ang Bulacan housing projects ay makalilikha ng  30,000 pabahay kapag pinalawak sa karagdagang  phases.

 

 

Maliban sa pabahay, plano ng Pangulo na palawigin ang  4H program para maisama ang pagtatayo ng iba pang pasilidad para sa edukasyon at maging sa  healthcare.

 

 

“The housing program is an important component of government initiative to address housing backlog in the country,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Nagpahayag naman ng kanilang pasasalamat ang ilang benepisaryo dagil nakarating ang flagship housing program ng administrasyon sa  grassroots sa kani-kanilang lugar.

 

 

Binansagan ng mga ito ang 4PH bilang malaking hakbang tungo sa kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

 

 

Sa  Barangay Gaya-gaya, San Jose Del Monte City, ang  Rising City Residential Project ay binubuo ng siyam na  8-story buildings na may paunang  target na  1,890 housing units at commercial area sa 6.9 ektaryang lupain ang unang lugar na pinasinayaan.

 

 

Sinundan naman ito ng  groundbreaking ceremony sa Barangay Caingin sa bayan ng San Rafael  para sa 7-hectare San Rafael Heights Development Project kung saan  3,920 residential condominium units ang inisyal na itatayo.

 

 

Matapos ito ay dumiretso naman sina Pangulong Marcos at Acuzar sa bayan ng Pulilan para sa inagurasyon ng Mom’s Ville Homeowners Association Incorporated project sa Barangay Penabatan, na paunang binubuo ng walong  10-story residential buildings na may 1,920 housing units sa  2-hectare property.

 

 

Samantala, may tatlong  groundbreaking ceremonies sa  Bulacan ang sabay-sabay na isinagawa at publicly aired – ito’y ang 12-hectare Pandi Terraces sa Barangay Bagong Barrio, Pandi na may panukalang 4,050 units; ang  2-hectare Municipal Government of Guiguinto Employees Housing sa Barangay Sta. Cruz, Guiguinto na may 108 units; at ang 2.6-hectare Pambansang Pabahay para sa Maloleño Program 2023-2025 sa Barangay Santor, Malolos City na may  675 units.

 

 

May ilang DHSUD executives ang nanguna naman sa huling tatlong  events.

 

 

Ang Empowered by Republic Act 11201, o ang  “Department of Human Settlements and Urban Development Act,” ay “the 4PH Program is part of the DHSUD’s thrust to fulfill its mandate to develop and adopt a national strategy to address the proper and timely provision of adequate and affordable shelter to Filipino families. Similarly, the Department – as the primary agency responsible for the management of housing and urban development in the country – is tasked with policy creation, regulation, stakeholder coordination and progress monitoring of the projects under the 4PH Program.”

 

 

Sa ilalim ng bagong housing program, inatasan din ang  DHSUD na tiyakin ang alignment ng mga polisiya, programa at proyekto ng attached agencies nito para i-facilitate ang  achievement ng  objective ng programa.

 

 

“So far, more than 130 memoranda of understanding have been signed by DHSUD with various LGUs from Luzon, Visayas and Mindanao since the launching of 4PH last September,” ayon ulat. (Daris Jose)

Other News
  • Pinaghirapan, ilang taong pinag-ipunan at pinaghandaan… DINGDONG, pinasilip na rin ang bonggang dream house nila ni MARIAN

    PINASILIP na ang kanilang bonggang bahay ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.   Habang nagsu-swimming si Dingdong at si Marian Rivera-Dantes naman ay relax lang sa tila lanai nila with their dog. Ang ganda at ang laki ng bahay.   Sabi ni Dingdong sa kanyang caption sa Instagram, “The things we cherish most […]

  • QC LGU nakiisa sa proyekto ng DOH at USAID

    NAKIISA ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa culminating activity ng Department of Health (DOH) at United States Agency for International Development (USAID) na pinamagatang “Padayon: The DOH-USAID Shared Journey Towards a Healthy Pilipinas”. Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si DOH Sec. Ted Herbosa at mga kinatawan ng USAID sa pangunguna ni Asst. […]

  • Meralco Avenue sa Pasig sasaraduhan simula Oct. 3hanggang 2028

    ISANG bahagi sa Meralco Avenue sa lungsod ng Pasig ang sasaraduhan sa trapiko simula sa Oct. 3 dahil sa gagawing civil works sa Shaw Boulevards kaugnay sa pagtatayo ng P488.48 billion na Metro Manila Subway project.       Tinatalang hanggang 2028 ang pagsasara ng nasabing pangunahing lansangan sa Pasig ayon sa Department of Transportation […]