• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangunahan ang panunumpa ng 55 heneral ng PNP

PINANGUNAHAN  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa 55 mga police generals na ginawa sa Heroes Hall sa Palasyo ng Malakanyang. 
Ito ang ikalawang batch ng mga nag -oath taking na heneral ng PNP dahil  nasa may 58 ang nanumpa sa unang batch na ginawa noong isang linggo.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos,  sinabi nitong zero tolerance ang gobyerno hindi lamang sa korapsyon kundi pati na sa human rights abuses.
Winika pa nito na sa ilalim ng  Bagong Pilipinas ay hindi dapat na magkaroon ng puwang ang katiwalian at pang- aabuso sa kapangyarihan.
Inaasahan din aniya ng mga mamamayan sa mga bagong promoted generals ang highest standards sa kanilang hanay at makikita sa kanila ang “leadership by example.”
Samantala, siniguro rin ng Pangulo ang  suporta nito  para sa modernisasyon ng PNP. (Daris Jose)
Other News
  • Devin Booker, out na sa training camp ng Phoenix Suns dahil sa ‘health at safety protocols’ ng NBA

    Kinumpirma ng reigning Western Conference champion Phoenix Suns na ang kanilang top player na si Devin Booker ay hindi muna makakasama ngayong linggo sa pagsisimula sa training camp dahil sa health at safety protocols ng NBA.     Kung maalala ang 24-anyos na si Booker ay naging malaki ang papel upang pangunahan ang Suns sa […]

  • Backriding sa tricycle, pwede na uli sa valenzuela

    PINAPAYAGAN na ulit ng Local Government ng Valenzuela City ang back-riding o pag-angkas sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.   Ayon kay Mayor Rex Rex Gatchalian, alinsunod sa ordinansa No. 810 Series of 2020, dapat lamang ay may nakakabit na non-permeable transparent barrier, tulad ng plastic cover sa pagitan ng driver at pasaherong nakaangkas.   […]

  • PBBM, pinalagan ang ginawang pagbabanta ni VP Sara

    PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nakababahalang mga pahayag na narinig ng sambayanang Filipino mula kay Vice-President Sara Duterte nitong mga nakaraang araw.     Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na nakababahala ang mga pahayag na binitiwan ni VP Sara sabay sabing “Yang ganyang kriminal na pagtatangka ay hindi dapat pinalalampas.”   […]