PBBM, pinangunahan ng inagurasyon ng SORSOGON SPORTS ARENA
- Published on October 18, 2024
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena (SSA) na itinaon sa ika-130 taong anibersaryo ng lalawigan at pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Kasanggayahan Festival.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang SSA, kayang maga-accommodate ng 12,000 katao at magsilbi bilang National Training Camp para sa mga atletang Filipino, ay isang malaking hakbang tungo sa dumaraming bilang ng mga Filipino Olympians.
Maliban sa magiging gamit ng SSA bilang sports training facility, sinabi ng Pangulo na ang SSA ay maaaring gamitin para sa mga komperensiya, summits, konsiyerto at kompetisyon.
“Bago ang lahat, nais ko munang batiin ang lahat ng mga Sorsoganon sa inyong ika-130 anibersaryo ng [pagkakatatag] ng inyong lalawigan at sa 50 Kasanggayahan Festival. Sa araw na ito, muli tayong nagsama-sama upang pasinayaan ang Sorsogon Sports Arena na ipinagmamalaki ng buong Bicol Region ngayon,” ang sinabi ng Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
“Sa pagtataya, kaya ng arena na ito na maiupo ang aabot sa 12,000 katao. [Maaari] rin itong gamitin bilang National Training Camp ng mga atletang Pilipino…Ito po ay isang mahalagang hakbang upang maitaguyod natin ang ating mga kababayan na may angking galing sa larangan ng palakasan. Sa tulong nito, mabibigyan sila ng pagkakataon upang mahasa pa ang kanilang mga talento.
Harinawa ay maidadagdag pa natin sila sa hanay ng ating Olympians at atletang Pilipino,” aniya pa rin.
“Bagama’t sports arena ang tawag natin dito, hindi lamang ito para sa mga larangan ng palakasan. Maaari din itong gamitin para sa mga pagpupulong o summits, konsierto, [at] mga patimpalak.”ang winika pa ng Pangulo.
Sa kabilang dako, kinilala naman ng Pangulo ang SSA bilang simbolo para sa mga Bicolanos at Sorsoganons para sa kanilang kasipagan at pagpupursige tungo sa pag-unlad.
“Kaya hindi natin maikakailang simbolo ng progreso ang Sorsogon Sports Arena. [Sumasalamin] ito sa patuloy na pagsisikap, pagtitiyaga, at pag-unlad ng mga Sorsoganon at mga Bikolano,” binigyang diin ni Pangulong Marcos.
At bago pa matapos ang kanyang talumpati, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga ito na ipagpatuloy lamang ang pagsuporta at pakikipagtulungan para sa kanyang hangarin na pag-unlad ng bansa.
“Kaya naman umaasa ako sa suporta ng mga Pilipino. Sa tulong ninyo, alam kong makakamit natin ang mga hangarin para sa ikauunlad ng bansa,” ang winika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
‘Dito at Doon’, Proceeds With March 31 Online Release
TBA Studios’ upcoming film Dito at Doon starring JC Santos and Janine Gutierrez, proceeds with its scheduled online release on March 31, 2021. The theatrical nationwide release on March 17 is on hold due to health and safety concerns, amid rising cases of COVID-19. The change comes after careful decision among […]
-
PBBM may malakas na mensahe sa China
NAGPADALA ng matinding mensahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gobyerno ng China nang utusan nito ang Philippine Coast Guard (PCG) na putulin ang mga lumulutang na 300-meter buoy na inilagay ng China Coast Guard (CCG) sa Scarborough Shoal. Ito ang inihayag ni Professor Renato De Castro ng La Salle International Studies. […]
-
VP Robredo pumalag sa mga patutsada sa kanya ni Pres. Duterte
Hindi na nakapagtimpi pa si Vice President Leni Robredo sa sunod-sunod na tirada laban sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi. Tinawag ni Robredo na isang “misyogynist” ang presidente. Ito raw ay ang uri ng mga tao na kinamumuhian ang mga kababaihan. Sa isang Twitter post, ipinakita ng bise-presidente ang ginagawa ng […]