PBBM pinarerebyu ang disaster response
- Published on August 8, 2022
- by @peoplesbalita
NAIS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebyuhin ang mga standard operating procedures (SOPs) upang lumikha ng pare-pareho at magkakaugnay na diskarte sa panahon ng kalamidad.
Sinabi ni Marcos sa meeting ng Gabinete kahapon na dapat irebyu ang mga SOPs kapag may warning at kung ano ang mga dapat gagawin kapag mayroong alerto.
“I think we have to review our SOPs when there’s a warning. So what do we immediately do when the alert is given to us? How do we preposition the things that we will need?” ani Marcos sa meeting ng Gabinete.
Ginawa ni Marcos ang pahayag kasunod ng isang magnitude 7 na lindol na yumanig sa hilagang Luzon noong Hulyo 27.
Sinabi ng punong ehekutibo na dapat i-preposition ng gobyerno ang mga satellite phones, generators, tubig at iba pa, kapag nakataas ang alerto.
Tinalakay din ang paggamit ng airlift assets para sa disaster response.
Binanggit din ni Marcos ang kahalagahan ng mga inhinyero na makakatulong sa mga clearing operations at pagtatayo ng mga pansamantalang istruktura.
Sa kanyang pagbisita sa Abra noong Hulyo 28, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang makakuha ng mas maraming water purifying system na tutugon sa mga problema sa suplay ng tubig sa panahon ng kalamidad. (Daris Jose)
-
Alden at Jasmine, kinakiligan at pinuri ang chemistry
THANKFUL ang GMA Entertainment Group dahil nagustuhan ng mga televiewers ang bagong handog nilang drama anthology na I Can See You na ang pilot episode ay ang “Love On The Balcony” na nagtatampok kina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno with Shyr Valdez and Denise Barbacena, sa direksyon ni LA Madridejos. Weekly series ang […]
-
Tuloy na launching ng pinakaunang modern bank notes sa PH na hindi na tao, kundi national animal
PERSONAL na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng bagong P1,000 polymer banknotes. Ito ang kauna-unahang modern bank notes sa Pilipinas na hindi na tao, kundi national animal ang nakalagay. Isasagawa ito sa Malacanang sa kabila ng naunang kontrobersyal na pagkakamali sa spelling ng Philippine Eagle sa pre-design ng nasabing […]
-
TONI, nag-resign na bilang main host ng ‘PBB’ at ipinasa kay BIANCA
SUMABOG na ang galit lalo na ng mga Kapamilya employees at Kapamilya staff, maging ang ilang mga netizens dahil sa lantarang pagsuporta na ni Toni Gonzaga sa kandidatura ng kanilang ninong na si Bongbong Marcos, plus of course, kay Mayor Sara Duterte. Kitang-kita naman sa mga Instagram stories na pinost at ni-repost ni […]