PBBM, pinasalamatan ang mga Pinoy sa Singapore
- Published on September 8, 2022
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino sa Singapore sa kanilang nag-uumapaw na suporta sa nakalipas na May 9 national elections.
Nakuha ni Pangulong Marcos ang mahigit sa 36,000 boto ng mga Filipino workers sa Singapore o tatlong beses na kalamangan sa kanyang katunggaling si dating Vice President Leni Robredo.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa 1,500 Filipino sa Ho Bee Auditorium ng National University of Singapore, sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga filipino sa Singapore ang pinagmulan ng “second highest voter turnout” para sa overseas automated voting sa Asia Pacific at “third highest” sa buong mundo.
“Yung performance ng eleksyon ang pinakamataas na nakita ng embassy na recorded since overseas voting began in 2004. Muli, maraming salamat po,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang tallumpati.
“Kahit na gusto namin kayong puntahan ay hindi pa kami pinapayagan. Pero ngayon, ito na ang ating pagkakataon. Kaya nga sabi ko dito sa halalan na ito, nabaliktad ang proseso. Nauna ang boto sa kampanya, nahuli yung kampanya. Pero since kampanya ito wag nyong kalimutan iboto ninyo Bongbong at Sara, ha,” ayon sa Pangulo.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga Filipino dahil sa ginagawang magandang impresyon sa Singaporeans dahil sa kanilang “skills at hard work.”
“Kayo lahat ay ambassador ng Pilipinas at talaga sa pagka ambassador ninyo ng Pilipinas ay ginagawa ninyo at binibigyan ninyo ng dangal ang Pilipinas ,” aniya pa rin.
Nangako naman ito na ipaprayoridad ang kapakanan at proteksyon ng mga Filipino sa Singapore at kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong, scholarships, at healthcare sa tulong ng embahada doon at ahensiya ng gobyerno ng Department of Migrant Workers.
Batid naman ng Chief Exeuctive na mahirap sa mga Filipino na mawalay sa kanilang mga pamilya. Pinuri naman niya ang mga ito dahil napapanatili ang “positive attitude” sa kabila ng mga paghihirap.
“Being in another country far away from your loved ones is not easy pero matibay ang Filipino . You can withstand hardships by wearing the most beautiful of smiles,” ayon sa Pangulo.
Bilang bahagi ng kanyang pangako na bigyan ng maayos na buhay ang mga Filipino, nangako ang Punong Ehekutibo na magbibigay siya ng mas maraming oportunidad sa Pilipinas.
“Hanggang dumating ang araw na kumpleto na ang trabaho sa Pilipinas ay meron pa tayong pagkakataon na ipakita ang galing, husay, sipag at bait ng ating mga overseas workers,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, tinatayang may 200,000 Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Singapore.
Sa nasabing pigura, 58% ang registered bilang professionals at skilled workers, habang 42% naman ang household service workers. (Daris Jose)
-
Ads August 29, 2022
-
Ads April 27, 2022
-
Muling pagbubukas ng ekonomiya, mapakikinabangan ng domestic inflation -NEDA
MAPAKIKINABANGAN ng domestic inflation rate ang katiyakan na magpapatuloy ang muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa dahil babagal ito ng 3% ngayong Enero 2022. “The sustained deceleration of domestic rate of price increases in January, from month ago’s 3.2 percent, is among the positive economic developments in the domestic economy to date,” ayon […]