• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM pinatitiyak sa DENR na magkaroon ng access sa malinis na tubig ang 40-M Filipinos

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agencies ng gobyerno na tutukan ang nasa 40 million Filipinos sa bansa na hanggang ngayon wala pa ring access sa portable water.
Sinabi ng Pangulo na nais nito na sa lalong madaling panahon mabigyan na ng fresh waters ang mga kababayan natin.
Inihayag naman ni Dr. Carlos Primo David , Undersecretary for integrated Environmental Science ng DENR na karamihan sa wala pang access sa potable water ay mga lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at mga island barangays.
Sa ngayon nasa 65 island barangays ang prayoridad ng DENR para mabigyan ng fresh water.
Sinabi ni David na kabilang sa kanilang tinitingnang mga hakbang para mabigyan ng fresh water ang ating mga kababayan ay ang paggamit ng desalination process technology kung saan ang tubig dagat ay i-convert sa fresh water sa pamamagitan ng nasabing teknolohiya.
Nasa P5 to P8 million ang halaga ng nasabing teknolohiya.
Tinitingnan din ng DENR na magtatayo ng mga infrastruktura sa mga lugar na may source ng fresh water partikular sa Mindanao.
Sa kabilang dako, tiniyak ni David na may sapat pa rin na water supply sa Metro Manila sa kabila ng nararanasang El Nino o tagtuyot at pagtaas ng water consumption sa kalakhang Maynila. (Daris Jose)
Other News
  • Ibang transport groups nagbuklod laban sa darating na transport strike

    MARAMING transport groups ang nagbuklod upang suportahan ang pamahalaan laban sa darating na transport strike sa July 24 kasabay ang ikalawang State of the Nation Address ni President Ferdinand Marcos, Jr.       Ang pinakamalaking grupo at pinakamatagal ng transport group sa hanay ng 12 transport groups, ang Pasang Masda, ang nagsabing hindi sila […]

  • Djokovic nagkampeon sa Australian Open

    Inilampaso ni Novak Djokovic si Daniil Medvedev para makuha ang ika-siyam na Australian Open title.     Nagtala kasi ang world number 1 na score na 7-5, 6-2, 6-2 at nakuha ang ika-18th Grand Slam title.     Sa simula pa lamang ay paborito na manalo ang 33-anyos na Serbian tennis star kumpara sa 25-anyos […]

  • PANAWAGAN sa KONGRESO at kay PANGULONG DUTERTE: IBASURA ang PLANO na MANDATORY CONSOLIDATION of FRANCHISE at REBISAHIN ang MULTA at PARUSA sa ILALIM ng JAO 2014-01.

    Dalawang polisiya ang mariing tinututulan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na sa aming pag-aaral ay maglalagay sa agrabyado sa transport sector at mga pasahero. Tutol ang LCSP sa sapilitang pag-consolidate ng mga prangkisa sa iisang corporation o cooperatiba at mawala na ang mga single franchise holders na pinaghirapan makuha at inalagaan para […]